CHAPTER 18

26 6 25
                                    


CHAPTER EIGHTEEN


Third-Person POV

Eros tried to focus more while examining the nearby areas, trying to sense if the soul was still there. Napasabunot siya sa kanyang buhok, "D*mn! Where are you?!"

At this point, he floated into the air, ignoring the fact that CCTVs and humans could see him from above, just to pinpoint that soul's location. He's really desperate to correct his mistakes because he thought that in this way, he would be able to face Reina's soul and he would be able to guide her properly.

"I can't..." he grunted. "I can't sense him!"

Sa pagkakataong ito, isa lamang ang naiisip niyang lugar kung saan ito maaaring magtungo—sa abandonadong building ng Paximonia University Hospital. Agad siyang nag-teleport papunta ro'n, nagbabaka-sakaling makita ang kaluluwa ng lalaki.

"There are common things that a soul would do, and one of them is that they tend to go back to the place where they died," aniya.

Nang makarating sa palapag kung saan ito huling namataan, ay nagkaroon siya ng pag-asa nang makita ang anino nito na nakaluhod. "There you are!" bulong niya sa sarili.

Ngunit, nagtaka siya nang maaninag ang kabuuan ng lalaki. Nakatali ito ng usok na pula at parang nagpupumiglas ito. Bigla naman siyang napaatras nang makita ang dalawang nilalang na hangga't maaari ay dapat niyang iwasan—ang Angel of Death, at ang kanilang Lead Head—si Vante at si Verum.

Hindi na siya nakapagsalita at nabato na lamang sa kanyang kinatatayuan. Malaki ang respeto niya sa kanilang Lead Head, at may takot din siyang nararamdaman sa Angel of Death na kamakailan lamang ay kanyang nasaksihan ang kapangyarihan. 'I'm doomed. They... they already knew!'

And because of his fear of being caught red handed, he attempted to flee. But even before he moved his feet, he heard a voice that instilled terror in his whole body. "You, over there. Come here." He knew that it was Vante, and he knew that it was for him. "Come here, Eros. It's alright," dagdag naman ni Verum.

Pag-angat niya ng paningin ay nakita niyang nakatingin ang dalawa sa kanya. Kalmado lamang ang mukha ng mga ito kaya't hindi niya malaman kung galit ba sila o ano. Ang lalaki naman ay nagpupumilit pa ring makawala sa tali. Huminga siya nang malalim na nakapagpa-kalma sa kanya kahit papaano at humakbang na siya patungo kina Verum.

"You came at the right moment, Reaper," panimula ni Vante. Hindi siya makatingin dito. Tanging sa sahig lamang ang kanyang tuon at pilit niyang pinapakalma ang sarili. "Raise your head, Eros. Now, we will let you guide this soul to its right place," ani Verum at napatingin siya rito. "What do you mean? I was planning on reporting on you once I found him, but you're here already..." pahina nang pahina ang boses ni Eros habang nagpapaliwanag. Hindi pa rin maalis sa kanyang sistema ang konsensyang bumabagabag sa kanya.

"Yes, I was going to let you handle him either way," sagot ni Verum. Nadagdagan na naman ang kanyang pagtataka. "I don't think our presence is needed here, Lead Head. We shall have our way," pag-aaya naman ni Vante. Sumang-ayon dito si Verum at tumalikod na pero humabol pa rin si Eros, "Wait... I don't understand! Why me?"

"That soul came to you for your help, isn't he? Then, you must see it to the end, Eros," paliwanag ni Verum. Tinapik niya ang balikat ni Eros, "Come to me after you finish your task," aniya at nginitian ito. Naiwan na lamang na nakatayo si Eros doon hanggang sa naglaho na ang dalawa sa kadiliman ng palapag.

Stars of Regia: THE REMNANTS [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon