CHAPTER 07

38 12 16
                                    

A/N: Photo attached above is the reference for Desto's apartment

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Photo attached above is the reference for Desto's apartment.

CHAPTER SEVEN

DESTO's POV

Agad akong bumangon nang marinig ang alarm clock. Hindi ako nakatulog kagabi kaiisip sa nangyari! Sino ba naman kasi ang makakatulog nang mahimbing kapag gano'n ang naranasan, 'di ba? Paano—

"Oh sh*t!!" agad akong napahawak sa side table ko dahil biglang nandilim ang aking paningin!! Potek na 'yan, isang gabi pa lang akong puyat tapos mukhang ubos na agad ang dugo ko ah?! Grabe! Para akong manika na pinatay ang switch!! Nakakapanghina ng tuhod amp!

Anyway, hindi dapat ito ang iniintindi ko! Kailangan kong maka-usap si Paul!! Tama! Sakto, may klase kami mamaya!

"Protein shake para sa masiglang umaga—"

Napalingon ako bigla sa window wall sa sala. Weird. Hindi ko alam pero parang may nakamasid sa akin doon...

"Ehey! That's impossible! Ang taas-taas ng unit ko eh!" sabi ko na lamang sa sarili at tinuloy ang pag-inom ng protein shake. Mahirap na, baka mandilim na naman ang paningin ko!

Sinigurado kong nakalock ang lahat dahil hindi pa rin maalis sa pakiramdam ko na may nagmamasid sa akin. S'yempre, mas maganda na 'yung sigurado, 'di ba?!

Pagtapak na pagtapak ko sa labas ng aking pinto ay nakaramdam ako ng malamig na hangin at wala man lang ibang tao rito maliban sa akin! DARN! NAKAKAKILABOT!

Nilakad ko ang kahabaan ng hallway ng floor namin hanggang sa makarating ako ng elevator. Habang naghihintay ay parang may naaninag ako sa aking peripheral view. Parang may nakatayo sa kanto bago lumiko sa hallway papunta sa unit ko. Agad akong lumingon pero wala naman akong naabutan!

Potek talaga! Hindi ako matatakutin pero kung ganito lang din naman... p*tcha talaga!!

Pinindot ko nang pinindot ang elevator dahil ang tagal nitong umakyat!

"Hindi bibilis 'yan kahit anong pindot pa ang gawin mo."

"AAAAHHHH! LUMAYO KA SA AKIN!!"

Agad kong naitaas ang aking kamao upang protektahan ang aking sarili! "Kung sino ka man!!! Huwag kang lalapit!!!"

"Paano mo makikitang lumalapit kung nakapikit ka?"

Teka. Bakit parang pamilyar 'yung boses?!

Idinilat ko ang aking mata at nakita si... "Mr. Verum?!"

I felt relief when I saw a familiar face standing in front of me! Dangg, ang sakit sa puso no'n ah?!

"Kayo ho pala 'yan. Ano pong ginagawa niyo rito?"

Si Mr. Verum ay ang may-ari ng Soul Café sa baba lang ng apartment complex na ito. Isa rin siya sa ka-business partner ni Chairman kaya kilala niya rin ako at medyo close din kami. Palagi ko kasi siyang naaabutan doon sa café o hindi naman kaya ay sa office ni Chairman. Actually, sikat ang café ni Mr. Verum at marami itong branch nationwide—sarap kasi ng kape nila! Sa sobrang sarap nito ay mararamdaman mong tumitibok talaga ang puso mo! Hahaha!

Stars of Regia: THE REMNANTS [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon