CHAPTER 16

23 6 14
                                    


CHAPTER SIXTEEN


Third-Person POV

Desto was about to enter his car when he heard someone not far from him. As if it was a cue, he hid behind a pillar. Pakiramdam niya'y isa siyang secret agent na may espesyal na misyon at natawa pa siya sa kanyang naisip.

Inaninag niya kung sino ang mga ito at ganoon na lamang ang gulat niyang nang makita si Eros at ang hitman na magkasama. Hindi siya maaaring magkamali dahil kahit na madilim ang paligid nung gabing 'yon ay sobrang natatandaan niya ang mukha at tindig nito.

Up until now, he can't believe that Eros is a grim reaper, and he can't seem to know the reason why he was suddenly involved in this kind of matter—a strange and otherworldly one. "Tsk, dahil ba 'to sa pagwiwish ko sa meteor nung nakaraan?" bulong niya sa sarili.

Napukaw ang atensyon niya nang magsalita ang hitman. "Ito ho, ito ho siya," anito habang pinapakita kay Eros ang isang litrato. Tinignan naman niya itong maigi. "Hmm, base sa uniform niya ay dito nga siya nag-aaral," aniya at tinitigan pang maigi ang tao na nasa litrato.

Walang anu-ano'y dumeretso ang dalawa patungo sa main gate ng university upang abangan ang estudyante kung sakali mang nandito ito. Sinundan sila ni Desto dahil ang hinala niya'y si Paul ang nasa litrato dahil wala naman siyang maisip na ibang kakilala nito maliban kay Paul na naghire mismo sa kanya.

"We should wait for that student here. I'm sure na dadaan 'yon dito," ani Eros sa hitman. Ngunit, sa dami ng mga estudyante na dumadaan dito ay kailan kaya nila ito matatagpuan?

Wala naman siyang ibang maisip na paraan upang makita at mahanap agad ang estudyanteng nasa litrato. Hangga't maaari ay ayaw niyang humingi ng tulong sa kapwa niya regio dahil malamang sa malamang ay malalaman ni Verum na kasama na niya ang kaluluwa ng hitman.

'Psh, ang hirap naman ng may tinatago!'

Samantala, malakas ang kutob ni Desto na si Paul nga ang hinahanap ng mga ito. Agad niyang kinuha ang kanyang phone upang i-message ito. "Yare ka talaga boy! Nasaan kaya 'to?" kinakabahan niyang bulong sa sarili. At habang naghihintay sa sagot nito ay muling tumingin si Desto sa gawi nina Eros. Medyo malayo ang kinaroonan niya kaya't hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Once we find that student, you must say your words urgently," paalala ni Eros sa hitman. Tumingin siya sa kanyang relo, "I will just allow you to talk to her for five minutes, then that's all."

"Salamat talaga sa chance na ito, Mr. Grim Reaper. Hinding-hindi ko ito malilimutan," bakas ang ngiti sa mukha ng hitman habang masusing tinitignan ang mga estudyanteng dumadaan sa gate.

"What the hell do you want, Shin?!" halos mapatalon pa sa kaba si Desto at muntik pa niyang masapak sa mukha si Paul dahil sa biglaan nitong pagsulpot sa kanyang likuran. "Woah, calm down! I did not come here to get my face scratched!" depensa ni Paul sa sarili.

"Bigla-bigla ka kasing sumusulpot!"

"Kasalanan ko bang hindi ka lumilingon kahit na 'yung sigaw ko ay abot na sa kabilang dulo ng university?" iritado nitong pahayag. Tumahimik nga ito simula nung insidenteng iyon ngunit mukhang napuno naman ito ng kasungitan sa katawan.

Napasinghal na lamang si Desto sa pagsusungit nito at muling humarap sa kinaroroonan nina Eros. "Nakikita mo 'yung lalaking naka-long sleeves na black?" turo ni Desto kay Eros.

Stars of Regia: THE REMNANTS [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon