CHAPTER 03

47 12 31
                                    

CHAPTER THREE


After one week...

DESTO's POV

Nandito ako ngayon sa likod ng Paximonia University Hospital kung saan may building na nirerenovate pero hindi pa ito natutuloy gawin. Balita ko'y dito raw napapadalas ang tropahan nina Paul Tenerio, at oo, inaabangan ko sila.

Sobra na akong napupuno sa inaasal nila. Hindi na ito nakakatuwa.

Simula kasi nung nalaman nilang magkapatid ang professor namin na si Ms. Reita at si Reina na aming kaklase ay madalas na nila itong bastusin habang naglelecture. And this time, they've crossed the line that they must not.

Pasalamat talaga sila't absent ako nung araw na 'yon! Kundi ay baka nakatikim na sila sa akin!

"Oh, look who's here! The almighty Desto!" nag-angat ako ng tingin nang marinig ang umaalingawngaw na boses ni Paul. Putcha, boses pa lang nito ay nakakainis na!

Lumapit siya sa akin habang nakalahad pa ang mga kamay niya na para bang pine-present niya ako sa mga kasamahan niya. Mayabang lang 'to kapag may kasama eh!

"What brought you here, campus heartthrob?" nakakaloko nitong tanong at hinawakan pa ako niya ako sa braso. Aba't-!

Dinampot ko nga ito at hinagis, "Isa pang hawak mo sa akin, mararamdaman mo talaga 'yang heartthrob na sinasabi mo."

"Woah, woah, woah! Calm down! Hindi naman kita inaano diyan!" nakakaloko niyang pahayag. Tumatawa-tawa pa ang hunghang at nakikitawa pa sa kanya ang mga patpatin niyang kasama.

Tinitigan ko ito isa-isa at unti-unti silang huminto sa pagtawa hanggang sa si Paul na lang ang mag-isang humahagikgik.

"Kakausapin ko 'tong boss niyo, alis," simpleng pahayag ko sa mga alagad niya. Nagpalit-palit pa ang tingin nila sa akin at kay Paul.

"Don't tell me na susundin niyo 'yang si Desto? Oh c'mon!"

Nabalot sila ng katahimikan. "Sorry, pre, una muna kami," sabi nung isa at tuluyan na silang umalis. Literal na kaming dalawa na lang ang natira.

"Nice one! P'wedeng-p'wede mo palang bigyan ng loyalty award mga tropa mo, no? Isipin mo 'yun, iniwan kang mag-isa rito!" natatawa kong pahayag at unti-unti ko nang nakikita ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha.

"The hell you want, Desto?" halata sa boses niya na kinakabahan na siya. Pinakita ko sa kanya ang isang video at nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung ano ito.

"Anong ka-b*llsh*tan 'to, Paul?"

"Where... where did you get that?" sinubukan niyang agawin sa akin ang cellphone ko pero tinaas ko ito. Mabuti na lang din at mas matangkad ako sa nilalang na 'to!

"Don't play dirty, Desto!! Give me that!!"

Tinataas-taas ko pa ang phone ko at tinutulak-tulak ko siya para hindi niya ito makuha sa akin. "Dapat kasi natutulog ka ng hapon nung bata ka para matangkad ka sana," pang-aasar ko sa kanya.

Mukhang napagod na yata ang loko at napahawak pa siya sa tuhod niya. "Hindi ako nakikipagbiruan, Desto."

Tinago ko na ang phone ko sa aking bulsa. Pinagpag ko ang kamay ko at umupo sa upuan na nandoon na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Ano kaya magiging reaksyon ng Dad mo kapag nalaman niyang ganito ka-g*g* 'yung anak niya sa school?"

"Don't you dare blackmail me, Desto."

Stars of Regia: THE REMNANTS [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon