CHAPTER 06

39 12 13
                                    

CHAPTER SIX

DESTO's POV

THIS. IS. INSANE!!

Paano nagawa 'yon ni Mister?! Kitang-kita naming lahat ang pagtama sa kanya ng bala pati na 'yung paggaling ng kanyang sugat!!

DARN! AM I TRIPPIN' AGAIN?!

Halos mapatalon ako nang biglang dumagundong ang isang malakas na kulog na nagpayanig din ng buong gusali!

Inaninag ko si Mister na ngayo'y kausap ang lalaki—ano kaya ang pinag-uusapan nila?!

Hindi namin ito marinig dahil sa lakas ng kulog at may itim na usok pa ang pumapalibot sa buong palapag! Potek, totoo kayang alien ito si Mister?!

Ilang araw ko na itong pinag-iisipan. Simula nung nangyari ang pagbagsak ng isang meteor sa aking unit at bigla na lamang itong nawala ay sobrang nakapanghihinala na agad 'yon! Tapos, 'yung pagpasok ni Mister sa unit ko kahit naka-lock naman 'yon at 'yung nangyari sa zoo! DARN! Totoo kaya talaga ang existence ng mga alien?!

Pero, kung isa nga siyang alien... eh bakit mukha siyang tao?!

Naagaw ng aking pansin si Paul na nakatulala sa pwesto ngayon nina Mister at nung lalaki. Parehas kaming walang ideya sa nangyayari pero ako ay may kaunting hint na pero si Paul... malamang ay wala!

Hindi ko alam kung anong naisip ni Paul at dinamay niya pa si Mister dito! Eh ako lang naman 'yung target niya! Paano pala kung tao talaga si Mister... edi yare siya no'n?!

"Now, this is your fault, Paul."

Lumingon ito sa akin at bumalik ang galit niyang ekspresyon. "Don't play dumb, Desto. It's not me who pulled the trigger!"

Sasagot pa sana ako pero bigla na lamang nawala ang aking balanse sa pagkakatayo dahil sa isang lindol! Darn! Ngayon pa ito sumabay!!

"AAAAAHHHHH!!" agad kaming napalingon sa pinanggagalingan ng sigaw at alam namin na boses 'yon nung lalaking may hawak ng baril!

Napakapit ako sa poste dahil sobrang lakas talaga ng yanig ng sahig at may iilan na bato pa ang nagbabagsakan!

Ilang minuto pa ang lumipas at bigla na lamang huminto ang lahat. Bumalik ang katahimikan sa paligid, nawala ang mga usok pati ang naglalakasang mga kulog at kidlat, huminto ang pagyanig ng lupa, at ang kaninang mga naglaglagang mga bato ay nagsibalikan sa mga pwesto nito!

Nakita naming naglalakad na si Mister papunta sa aming pwesto at ang mga lalaking naka-away ko kanina ay isa-isa na ring nagigising!

Nanatili ako sa aking pwesto habang si Paul naman ay napaatras pa sa poste sa kanyang likod.

Inaninag ako ang lugar na pinanggalingan ni Mister at wala na roon ang lalaki! HALA! Saan na napunta 'yon?!

Huminto si Mister sa gitna naming lahat. Nasa magkabilang gilid niya kami ni Paul habang ang mga alagad naman ni Paul ay nasa likuran niya—at nakatingin kami ngayong lahat sa kanya.

Nakakabingi ang katahimikan. Tanging huni lamang ng mga ibon ang aming naririnig at ang sarili paghinga. Halata naman sa mukha ng lahat ang kaba at takot na sa kanila'y bumabalot. Ako? Kinakabahan din ako pero kaunti lamang... LOL! Sinong niloloko ko rito?!

Sa mga sandaling ito, napagtanto ko kung gaano ka-delikado si Mister. Kung totoo mang alien siya na nagpapanggap bilang isang tao... hindi kaya'y ang isa sa mga goal niya ay saktan kami?

Lalo akong nabalot ng kaba sa naisip.

"You..." isang salita pa lang ang kanyang binibitawan pero makapigil hininga na agad ito. Nakatayo lamang siya sa aming harapan pero sobrang tense ng paligid. Nakatalikod siya sa liwanag ng buwan kaya't hindi namin makita ang kanyang mukha.

Stars of Regia: THE REMNANTS [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon