CHAPTER 11

127 80 68
                                    

KEN POV:

"Hindi mo pala kaya"pang-aasar nyang sabi

"pasalamat ka tumunog yung bell" sabi ko sakanya.

"eh sadyang bakla ka lang, kaya hindi mo kayang gawin"Pang-aasar nya sakin bago lumabas.

Pagkalabas nilang apat ay bigla ko narinig na tumawa ng malakas si Red. Alam ko kanina nya pang pinipigilan tumawa ng malakas dahil andito pa sila lalong lalo na nandito pa yung kasama ni Barukutay na babae.

Lumabas na rin kami ni Red para puntahan ang room nila Cass at Chelle at sabay sabay na umuwi.

Nang makarating na kami sa room nina Cass at Chelle ay agad silang lumapit samin.

Nang makalapit na sila samin ay agad kaming lumakad papuntang parking lot. Habang naglalakad kami ay naririnig kong nag-uusap sina Red, Cass at Chelle.

"Alam nyo kanina sa room natalo nung kaibigan nyong babae si Ken"natatawang sabi ni Red kila Cass at Chelle

"SINO?" Takang sabay na tanong nina Cass at Chelle

"Yung pinaka-usap mo kay Ken kahapon sa cellphone, Chelle" sabi ni Red kay Chelle

"Ah si Jaz, bakit natalo ni Jaz si Ken?" Tanong nya kay Red

Jaz? Ah Jaz pala name.. ang ganda kasing ganda nya, ano kaya full name nya? At ng ma-search ko sa facebook.

"Pano kasi inaway ni Ken yung Jaz na sinasabi nyo" sabi nya kila Chelle at Cass.

"Huh?Panong inaway ni Ken?"naguguluhang tanong ni Cass kay Red

"Pano kasi hinamon ni Ken si Jaz pagsinabihan sya ng t*nga hahalikan nya si Jaz" paliwanag ni Red kay Cass

"So anong ginawa ni Jaz?" tanong ni Chelle kay Red

"hahahaha pinilosopo ni Jaz si Ken" natatawang nyang sabi kila Cass at Chelle pero mukang naguluhan yung dalawa sa sanabi ni Red

"Huh?" Sabay nilang sabi

"Basta mahirap paliwanag, panoorin nyo na lang tong video, binidyohan ko sila kanina" sabi nya kila Cass at Chelle pero nagulat ako sa sinabi nya video Lintik toh! Vinideohan pala kami kanina, magpapasa nga Ako sa kanya mamaya.

"ANO VIDEO?!!!" Kunwaring galit na tanong ko kay Red.

"Oo, binidyohan ko kayo kanina ang sweet nyo nga eh"ngiting sabi nya sakin

"Burahin mo yan!!"Maotoridad kong utos sa kanya pero wag Muna pls, pasa mo Muna sakin...

"Ayoko ko nga, tsaka kunwari kapa gusto mo rin naman, gusto mo pasa ko sayo" pang-aasar nyang sabi sakin kaya tinignan ko sya ng masama. Pero pls pasa mo sakin.

"Bahala ka sa buhay mo!"inis na sabi ko sa kanya bago magpatuloy sa paglalakad papuntang parking lot.

Ng makarating kami sa parking lot ay agad akong sukamay sa tabi ni Red

driver seat - Red
passenger seat - Ken
likod - Chelle at Cass

(a/n: yan ang pwesto nila sa loob ng kotse na BG CAR nila)

Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan makinig sa usapan nila.

"ahhahaha grabe ang tapang ni Jaz"natatawang komento ni Cass matapos panoorin yung video.

"hahhaa oo nga grabe" natawang sabi ni Chelle matapos ding panoorin yung video.

"hahaha pero may tanong ako sa inyo Cass at Chelle" sabi ni Red kila Cass at Chelle habang nakatingin sa daan.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now