𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 36

81 56 18
                                    

𝐉𝐀𝐙 𝐏𝐎𝐕: ( JULY 7 WEDNESDAY )

Pinilit kong gumising dahil pang-limang tunog na ng alarm ko.

Tinignan ko ang orasan at napabaligwas na lang ako ng tayo ng malaman kung anong oras na.

5:45𝑎𝑚 𝑎𝑦𝑦 𝑗𝑢𝑠𝑘𝑜𝑜 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎𝑡𝑒 𝑛𝑎 𝑘𝑜... 𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑏𝑎 𝑘𝑎𝑠𝑖 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑝𝑢𝑦𝑎𝑡?!!

Nagmadali akong kumilos at maligo. Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis at nagmadaling bumama at dumeretso sa garahe para kunin ang kotse ko.

𝑊𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑖𝑛.. 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑘𝑙𝑎𝑦..

Pina-andar ko ng mabilis ang kotse ko at nang makarating na ko sa parking lot ng school ay pinark ko na at saktong pagbaba ko ng sasakyan ay may nakatayong babae sa harapan ko. napatalon pa ako sa gulat.

Morena, mahaba ang buhok hanggang bewang, payat, matangkad siguro magkasing tangkad sila ni tasha..

"Excuse me po ate.. malalate na po kasi ako eh.." sabi ko sa kanya.

"Ikaw ba si jazmine zhammirah??" tanong nya sakin

"Opo.. bakit nyo po ako kilala??" tanong ko sa kanya.

"Ikaw ba toh??" tanong nya sabay pakita sakin ng isang litrato.

Tinitigan ko ang litrato na hawak nya at nagulat ako ng makitang picture ko ang naka-ukat.

"Opo.. saan nyo po toh nakuha??" tanong ko ulit sa kanya.

"Matagal na kitang hinahanap..." Naka-ngiting sabi nya. Kaya tinignan ko sya ng may pagtataka.

𝐻𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑛𝑎𝑝 𝑛𝑦𝑎 𝑘𝑜?? 𝑠𝑖𝑛𝑜 𝑏𝑎 𝑠𝑦𝑎?? ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑜 𝑠𝑦𝑎 𝑘𝑖𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑒ℎ?? 𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠 ℎ𝑎ℎ𝑎𝑛𝑎𝑝𝑖𝑛 𝑛𝑦𝑎 𝑝𝑎 𝑎𝑘𝑜?? 𝑏𝑎𝑙𝑖𝑤 𝑏𝑎𝑡𝑜?? 𝑠𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑝𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠 𝑚𝑎𝑦 𝑠𝑎𝑝𝑎𝑘 𝑠𝑎 𝑢𝑡𝑎𝑘...

"Hinahanap?? sino po ba kayo??" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Makikilala mo rin ako.."

"Eh?"

"Basta.. makikilala mo rin ako.."

"Sino po ba kasi kayo??"

"Makikilala mo rin ako... ngayon pumasok ka muna at baka malate ka.." Naka-ngiting sabi nya kaya agad naman akong napatingin sa orasan ko.

Ganun na lang ang paglaki ng mga mata ko ng makita kung ano oras na.

6:55𝑎𝑚 𝑎𝑦 𝑗𝑢𝑠𝑚𝑖𝑦𝑜𝑜 𝑚𝑎𝑟𝑖𝑚𝑎𝑟 𝑔𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑐ℎ𝑖𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑘𝑎 𝑛𝑔 𝑘𝑢𝑟𝑖𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑜ℎ! 𝑙𝑎𝑡𝑒 𝑛𝑎 𝑘𝑜𝑜𝑜!

"Ahh.. ate sige po una na po ako.." pilit ngiti kong sabi sa kanya.

Tumango na lang sya bago tinalikuran ako kaya mabilis naman akong tumakbo papuntang room.

Nang nasa hagdan na ko ay naririnig ko na ang pagtawag sa pangalan ko kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko at ng makarating ako sa katabing room ng room ko ay narinig ko ulit na tinawag ang pangalan ko kaya...

"PRESENTTTTT!!!"

Sigaw ko at sa dinasi-sadya ay bigla kong naibalibag ng bukas ang pinto ng room namin. Kaya napatingin naman sila sakin lahat pero hindi ko na yon pinansin at tinunood ang paningin kay Ms. Donna.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now