𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 37

85 54 17
                                    

JULY 7 WEDNESDAY CONS.

𝐉𝐀𝐙 𝐏𝐎𝐕:

Nagising ang diwa ko ng may narinig akong yapak ng paa na papalapit sakin. Kaya naimulat ko ang kanang mata ko. Para makita kung kanino yapak yon at ng makilala ko ay dun ko palang minulat ang kaliwang mata ko. May narinig naman ako ng pagtawa ng mahina sa paligid ko pero hindi ko na yon pinansin.

Umupo ako sa kama pero nanlaki ang mga mata ko ng bigla akong yakapin ni kurikong.

"Ngayon lang naging ganyan yan si ken.." rinig kong bulong ni cass kay tyron. Dahil nasa likod lang sila ni tasha at pula.

"Talaga?? kahit kanino??" bulong rin ni tyron sa kanya.

"Oum.. kay zham lang sya naging ganyang kaemosyonal.." bulong na sabi naman ni cass.

Hindi ko dinig ng malinaw ang sinabi ni cass dahil mas tinu-unan ko ng pansin si kurikong na mas humigpit ang pagkaka-yakap sakin.

"Ahh.. ken masyadong mahigpit ken.." sabi ni ko. Kaya napa-hiwalay naman sya sa pagkakayakap sakin.

"S-sorry.." utal na sabi nya. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Okay lang.. walang problema.." naka-ngiting sabi ko sa kanya.

"Ahh.. bes kamusta pakiramdam mo??" tanong sakin ni tasha.

"Maayos naman ako bes wag kayong mag-alala.." naka-ngiting sabi ko. Bago tapunan ng tingin ang paligid.
𝑁𝑎𝑠𝑎 ℎ𝑜𝑠𝑝𝑖𝑡𝑎𝑙 𝑏𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑜𝑟 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡?? tumingin ako sa kanya ng may pagtataka. "at tsaka bakit ako nandito??" naguguluhang tanong ko.

"My baby.. nahimatay ka kanina.." sagot sakin ni kurikong..

𝑁𝑎ℎ𝑖𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦?? 𝑛𝑎ℎ𝑖𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑎𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑛𝑎?? 𝑝𝑒𝑟𝑜 𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡?? 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎𝑎𝑛?? 𝑘𝑢𝑦--

Napatigil ako sa pag-iisip ng maalala ang nangyari kanina sa gate. kaya napatingin ako sa paligid ko at hinanap si ate sa buong kwarto ngunit nabigo ako.

"Nasan si ate??" tanong ko sa kanila.

"Sinong ate jazzi?? at sino yung kausap mong babae kanina??" takang tanong sakin ni carl

"Si ate yung kausap ko kanina..." sagot ko sa kanila.

"Si ate tine ba??" tanong ni tasha sakin kaya umiling ako.

"Hindi si ate... si ate yung payat, morena at mahaba yung buhok..." sabi ko habang umi-iling. "Kailangan ko syang makita... kailangan ko syang makausap.." dagdag na sabi ko.

"Nene.. kung sino man yon.. palampasin mo muna magpahinga ka na muna.." pilit ngiti na sabi ni pula sakin.

"Hindi pwede!! kailangan ko syang makausap importante toh para sakin!! kaya kailangan ko syang makausap!!" inis na sabi ko.

Sa inis ko ay naipadyak ko na ang mga paa ko sa kama at pinagsusuntok ko ang unan ko. Nagsisimula na rin mamuo ang luha ko. Tatayo na sana ako ay bigla akong napa-tigil sa kadahilanan ng bigla akong yakapin ni kurikong.

𝑁𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖 𝑘𝑎 𝑛𝑎 𝑎ℎ?! 𝑘𝑎𝑙𝑎 𝑚𝑜 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑝𝑎𝑛𝑠𝑖𝑛 𝑦𝑎𝑛 𝑎ℎ?! 𝑡𝑖𝑔𝑛𝑎𝑛 𝑚𝑜! 𝑖𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑦𝑎𝑘𝑎𝑝 𝑚𝑜 𝑚𝑎𝑦 𝑙𝑖𝑏𝑟𝑒 𝑘𝑎 𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑝𝑎𝑘!

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now