CHAPTER 16

109 73 43
                                    

JAZ POV:

Nandito ako ngayon sa liblib na parte ng canteen at nakatitig ng masama sa harapan ko.

"ANO ba kasi problema mo?!!"inis na tanong ko dito sa harapan ko

"Sorry, kung natakot kita.." nakayukong sabi nya sakin. Kaya napa bugtong hininga na lang ako bago tumingin sakanya ng deretso

"Ano ba kasi kailangan mo? at dinala mo pa ako dito? " mahinahon kong tanong na sabi sa kanya

"Ano kasi.., gusto ko lang sanang alamin kung anong fb name nung lagi mong kasama" kamot ulo nyang sabi sakin

"Sino ba dun babae o lalaki? at sino kaba para ibigay ko sayo basta-basta?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya

"Klassmate tayo ako yung kaibigan ni Ken at nila Leng at Cass"sabi nya sakin. Nagtaka naman ako wala naman akong kilalang leng 𝑠𝑖𝑛𝑜 𝑦𝑢𝑛?

"Sinong Leng eh wala naman akong kilalang Leng?" Takang tanong ko sa kanya.

"Ah si Michelle, Leng lang ang tawag ko sa kanya" paliwanag nya sakin kaya tumango-tango nalang ako sa kanya.

"Ah Ikaw yung Vice President na si.... si.. ano....."putol-putol na sabi ko dahil hindi ko matandaan ang pangalan nya. Narinig ko naman ang mahina nya tawa.

"Sino ka nga ulit?"tanong ko sa kanya

"Ah ako si Jared Alexander G. Montenegro"nagpipigil nyang tawa na sabi nya.

"Ah okay Montenegro" sabi ko sa kanya

"Red na lang,.. ang pormal masyado eh" sabi nya sakin.

"Okay" sabi ko sa kanya

"So pwede ko na ba hingin yung fb name nung friend mong babae?" Naiilang nyang tanong sakin

"Natasha Keinn TA yung name ng fb nya" sabi ko sa kanya

Pagkasabi ko non ay agad syang may kinuha sa bulsa nya ng makuha nya na ito ay agad syang may tinatype sa phone nya.

"Ano spell ng Keinn nya??, K-A-N-E or K-A-I-N?" Tanong nya sakin kaya napatawa ako dahil wala sa sinabi nya ang tamang spell.

"Hahah wala sa sinabi mo, 'K-E-I-N-N'" natatawang sabi ko sa kanya.

"Ahh sorry naman, kakaiba kasi spell ng Keinn nya eh" sabi nya sakin

"Oh sige na alis na ko, wag mong sendan ng bastos yang kaibigan ko kundi babalatan kita ng buhay!"bilin at banta ko na sabi ko kanya.

"Ahahhh oo naman hindi ko ugali yun at, may respeto ako sa babae kaya hindi ko gagawin yon, at tsaka salamat" natatawang sabi niya sakin.

"Siguraduhin mo lang!" huling sabi ko sa kanya bago ako umalis at dumetso sa room.

Habang naglalakad ako ay may biglang tumapid sakin kaya natumba ako sahig. May naririnig din akong nagatatawanan.

Tatayo na sana ako pero naunahan ako ng lalaking may hawak ng kamay ko at tinulungan akong tumayo.

"Thank y---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ng makita ko kung sino yung lalaking tumulong sakin. At nagsilapitan narin ang mga teacher pero nanatili parin ang tingin ko sa lalaking.....

Dela Santos..

"Thank you, Dela Santos"naka-ngiting sabi ko sa kanya

"You're welcome, My Baby"naka-ngiti nyang sabi sabay kindat. Kaya inirapan ko na lang sya na ikinatawa nya.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now