𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 59

61 43 14
                                    

XMAS PARTY 0.02

JAZ POV:

Ngayon naman ay hinahanda nila Tyron at Cass ang next game pero mukang kalokohan lang ito dahil sa mga expression nila sa mukha.

"Okay guys ready na ang next game natin!!" Sabi ulit ni Tyron sa mic.

Lumapit naman kami sa kanya at nakinig nalang sa sasabihin nya.

"Ang next game natin ay... ay kamatis game!! dapat kalamansi kaso wala tayo non kaya kamatis nalang! tutal mukha naman kayong mga kamatis eh hahahha" natatawang sabi nya.

Sinabayan lang namin ang tawa nya.

"Eto ang mekaniks ng game... girls vs boys... bawat manlalaro ay kailangan pumunta duon sa upuan na yon paikot hanggang dito sa unahan. Habang may subong kutsara na may kamatis! dapat kailangan hindi mahulog ang kamatis! pagnahulog ay uulit kayo sa umpisa.. pagnagawa nyo yon ng maayos ay kailangan nyo ilipat sa kakampi nyo ang kamatis ng hindi nahuhulog at hindi nyo hinahawakan palipat sa kakampi nyo! kailangan ilipat nyo yung kamatis gamit ang kutsara na nasa bibig nyo palipat sa kutsarang nasa bibig din ng kakampi nyo!" Edsang baha na paliwanag nya.

Tumango kaming lahat sa kanila ni Cass.

Gumawa na kami ng linya para sa mga babae at lalaki. Parehong nasa unahan sina Red at Chelle sa likod naman nila ay sina Tasha at Carl at kami naman ni Kurikong ay parehong nasa dulo dahil find your height ang pila namin.

Pagstart ng music na giling giling by will. At sigaw ni Tyron sa mic ay nagsimula na kami. Subo na namin lahat ang mga sari-sarili naming kutsara.

Ngayon ay nauuna si Red dahil si Chelle ay nalaglag ang kamatis sa kutsarang subo nya kaya umulit sya.

.
.
.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang palaro at ang nanalo ay ang boys team kaya binigyan sila ng tig-iisang box ng comdom. Kami naman na girl ay binigyan lang kami ng tigli-limang candies.

"Hahhahha Carlon palawang box nayan" pang-aasara na sabi ko sa kanya.

Ginatungan naman nila yung pang-aasar ko kaya malakas kaming nagtawanan kaya halos mamula ang mga mukha nila pareho ni Chelle.

"Simulan nyo na tol.." pang-aasar din ni Red sa kanya

"Hahahhahha"

"Hahaha parang mga kamatis"

"Baka kamo... mukang unggoy na pula yung Mukha hahaha"

Nagtawanan lang kaming lahat.

.
.
.

Naglaro lang kami ng ibat-ibang laro Hanggang sa maisipan na namin Kumain.

Sama sama kaming walo sa isang table na mahaba at nag-boodle fight.
Masaya kaming nagsalo-salo. Minsan ay hinahaluan pa ng tawanan.

Napa-tingin ako sa mga kasama ko nag-susubuan ng ulam.

Nag-hugas ba tong mga toh ng kamay bago kumain?

Hindi na kasi kami nagkutsara. Dahil mas masarap pagnaka-kamay.

Bigla naman akong napa-tingin sa katabi kong naglagay ng isang buong tilapia sa dahon ng saging sa harap ko.

"Kain ka pa.. para tumaka,ang payat mo eh.." sabi nya habang hinihimay ang tilapia at dumanpot din sya ng kanin at sinubo sakin.

Naramdaman ko pa ang daliri nya sa labi ko.

Nanguya akong humarap sa kanya at sunubuan rin sya ng tilapia.... Oo tilapia isang buong tilapia...
Sinamagutan nya naman Ako.

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako tumingin sa kanya. "Ikaw din kumain ka ng hindi lang ako ang tumaba.." sabi ko sa kanya tumawa naman sya kaya bigla syang nabilaukan.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now