CHAPTER 68

49 20 84
                                    

TASHA POV:

Kinuwento ko sa kanila ang tungkol samin ni Red. Sinabi kong Hindi lang ito ang unang beses ko silang makitang magkasama dahil Mula Nung nasa hospital pa si Bes ay nakita ko na silang magkasama ta Nakita ko pa silang naghahalikan kaya Hindi ko na kinaya. Lahat sila nagulat at nalungkot rin ng malaman nila.

"ANO?!!"

Sabay sabay na tanong nila.

Ganon nalang ang gulat ko ng pareho silang bumaba at mabilis na pinuntahan sila Red.

"Red!!" Blankong tawag ni Bes Kay Red.

Kinapitan ko ang braso nya pero tinabik nya yon.

Takot naman na tumingin sa kanya si Red.

"B-bakit, N-nene??" Halata sa boses nya ang takot.

Tumingin sa kanya ng masama si Bes at kinuwelyohan ito. Kaming anim ay nagmadaling lumapit at pinigilan si Bes pero ng makakalapit pala kami ay nagsalita na sya.

"Wag. Nyong subukang lumapit samin kung ayaw nyong mapatay ko to." Blankong Sabi ni Bes kaya napa-tinag kami sa akma namin lumapit sa kanila.

"N-nene.."

"Wag mo kong manene-nene Dyan Jared Alexander. Bakit ginanon mo si Tasha ha?!! Diba ang sabi mo ay Hindi ka tulad ng iba na makakagawa ng makakapanakit sa damdamin ni Tasha?!! Oh ano to?!!" Galit na Sabi ni Bes sa kanya.

Hindi na nagawang mag-salita ni Red dahil napangunahan sya ng Iyak nya. Lumuhod ito sakin at humangolngol.

"Jazmine Zhammirah!!"

Pero Ganon nalang ang pag-tingin ko Kay Ken ng bigla itong sumigaw.

"Sobra na Yung ginawa mo sa kaibigan ko!!" Galit na sabi nya Kay Jaz.

Tumingin naman sa kanya si Jaz ng blankong mukha.

"Ano bang ginawa ko?? Wala pa naman akong giangawa ha?? Tinatanong ko palang naman??" Tanong nya Kay Ken.

Napa-tingin Naman si Red sa pag-iyak pero tuloy parin ang paglabas ng luha nya.

"My love, siguro mas tamang maghiwalay nalang Tayo dahil ayokong nakikita kang malungkot at masaktan ng dahil sakin.." tuloy na Sabi sakin ni Red.

"Oo nga, Tama ng maghiwalay kayo dahil ayokong nakikitang nasasaktan ang kaibigan namin dahil sa walang kwentang lalaki!!" Galit na sabi ni Tyron sa pagsang-ayon Kay Red .

"Tama, mas Mabuti pa nyang maghiwalay kayo! Ayokong maramdaman ulit ng Tashing ko ang naranasan nya noon!" Gantong na Galit ding Sabi ni Carl.

Natulala na lang ako habang naluha.

Siguro nga.. mas okay na magbreak kami dahil Hindi ko na kaya pang makita sya Kasama ng ex nya..

Nandito naman ang Quadro na Hanggang tulungan ako at alam kong sila lang ang malalapitan ko sa bawat problema ko..

"Teka naman!! Sobra na kayo!! Kung ganyan lang ang gagawin nyo sa kaibigan namin!! Eh mas Mabuti pang maghiwalay narin Tayo Carl! Mas okay sakin na mawala ka wag lang ang kaibigan ko!!" Singit naman ni Chelle samin at halata din Galit ito.

"Then break." Napa-tingin ako Kay Carl ng walang Buhay nya yong sinabi.

"Ako rin!! Handa akong makipagbreak Sayo! Kung Kaibigan namin ang masasaktan!" Singit rin ni Cass habang inalalayan si Red na tumayo pero ayaw nagmaatinag ni Red.

"Fine. Break kung break" Ganon din ang gulat ko ng sabihin yon ni Tyron.

Tumingin kami Kay Ken na blankong ang mukha at walang Buhay ang mga mata na tumingin Kay Jaz pero halata sa mata nya na nagtutubig ito. Si Jaz naman ay walang pakielam sa paligid nya.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now