CHAPTER 72 VACATION 0.03

39 18 58
                                    

VACATION 0.03 (THE TRUTH)

TASHA POV:

Hindi na namin sya sinundan dahil alam namin kailangan nya ng Oras para intindihan lahat ng nalaman nya. At sa nangyari Ngayon.

Tumambay kaming lahat sa kwarto ni Jaz. Pero Hindi namin namalayan ang Oras at pare-pareho na kaming naka-tulog Dito. At ng magising kami ay Wala parin si Jaz.

Tinignan ko ang wall clock mag aalas- diyes na ng Umaga. Saan naman kaya nagpunta yon?

"Mylove, Nacontact mo na ba?"

Tanong sakin ni Bebe ko habang tinatawagan ang Phone ni Jaz. Umiling Ako sa kanya at Ako naman ang sumubok na tawagan si Jaz.

Pero sabay sabay kaming napa-tingin sa bag ni Jaz na naka-patong sa sofa ng may tumunog dun.

Lumapit dun si Carl at binuksan nya ang bag ni Jaz at nilabas ang phone nya na ring ng ring.

"Haystt!" Bugtong hininga ni Tyron.

Sabay sabay kaming napa-bugtong hininga dahil sa pag-aalala Kay Jaz. Imbes na magsaya kami Pero mukang dahil sa nangyari mukang hindi na matutuloy.

Magtatanghali ng maisipan naming bumalik sa sari-sariling kwarto namin. Naligo lang Ako at bumalik ulit sa kwarto ni Jaz.

Pagbalik ko dun ay naabutan ko si Ken na naka-upo sa kama ni Jaz habang naiyak.

"Kasalanan ko eh!"

"Sana sinabi ko nalang sa kanya Yung totoo! Sana Hindi ko nalang sinabi sa kanya na si Shantelle ang mahal ko kesa kanya!"

Nagulat Ako ng marinig ang sinabi nya. Nasa gilid Ako pinto at sa sya naman nasa kanan bahagi kaya Hindi nya Ako kita.

"Sana Hindi nalang Ako nagsinungaling sa kanya!"

Sabi nya ulit kaya lumapit na ako sa kanya at hinawakan ang balikat nya. Nagulat pa sya ng makita nya Ako.

"Is not your fault, okay? So stop blaming yourself..." Malumanay kong Sabi sa kanya. "Hayaan Muna natin sya, kailangan nya rin ng pahinga..."

"Hindi eh! Kahit sabihin nyong Hindi ko kasalanan?! Kasalanan ko parin Kasi Nagsinungaling Ako sa kanya... Ginawa Yung bagay na pinaka-aayawan nya! Galit Ako sa sarili Kasi ang bobo ko! Dinamay ko pa si Shantelle na Walang malay-malay na para lang saktan Yung babaeng mahal ko.." naiyak na Sabi nya.

Hindi ko namalayan na pumasok narin pala ang iba naming kaibigan. Isa isa nilang niyakap si Ken.

"Wag mong sisihin ang sarili mo.. lahat naman Tayo may kasalanan dahil nagsinungaling Tayo sa kanya... Ako nga feeling ko Hanggang Ngayon ay parang Wala parin tiwala sya sakin eh... Pero nirespeto ko nalang Kasi alam ko naman sa sarili ko Yung ginawa ko..."

Madamdaming Sabi ni Bebe ko Kay Ken kaya sabay sabay kaming Quadro na tumingin sa kanya.

"Pare, wag mo namang sabihin na pakiramdam mo na Wala Sayong tiwala si Jazzi.." Sabi sa kanya ni Carl.

"Oo nga, pare" sang-ayon naman ni Tyron kay Carl." Tsaka Hindi naman magkakaganon ang tiwala Sayo non kung ganung dahilan lang..." Dagdag na sa Sabi ni Tyron.

"Yun na nga eh..." Namomoblemang Sabi nya. Kaya napa-tingin kami sa kanya dahil para may Ibang dahilan ang pagkakasabi nya.

"Anong ibig mong sabihin?.." takang tanong ko sa kanya.

Malalim Muna syang mubugtong hininga bago tumingin samin.

.
.
.

RED POV:

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now