𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 38

84 55 18
                                    

𝐉𝐀𝐙 𝐏𝐎𝐕:

𝐾𝑢𝑦𝑎...

Mabilis ko silang sinundan ng tingin at nung umalis sila ay mabilis ko rin silang sinundan ng palihim.

𝑊𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑘𝑒.. 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑚𝑎𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑠𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑛𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑜𝑡𝑜𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑢𝑦𝑎 𝑘𝑜..

Palihim ko silang sinundan hanggang sa lumiko sila sa isang kanto. Hininto ko ang kotse ko sa gilid ng bakanteng lote dahil hindi na kasya ang kotse sa kantong nilikuan nila.

Bumaba ako at kinuha ko ang mga importanteng gamit ko sa loob at ini-lock ang kotse ko. Bago ako pumasok sa kantong pinag-likuan nila.

Ginala ko ang paningin ko at nakita ko sila sa isang karendirya. Palihim akong lumapit sa kanila. Nakita kong bumili sila ng lutong ulam at ng matapos na silang bumili ay lumakad ulit sila papasok sa isa pang kanto.

Kaya ako ay parang detective na naka-sunod lang sa kanila.

Huminto sila sa paglalakad at pumasok sa isang bahay na may maliit na bakuran sa gilid. Pagpasok nila sa loob at may ilang minuto rin ay may lumabas na isang ginang.

Palihim akong lumapit at sumilip sa bintana nila. Nagulat ako ng makitang may karga-karga si kuya na sanggol. Nang tignan ko si ate ay naghahanda ng pagkakainan nila.

Kinuha ko ang notepad ko sa bag ko at..

𝐷𝑒𝑎𝑟: ????

𝐺𝑜𝑜𝑑 𝑒𝑣𝑒𝑛𝑖𝑛𝑔, 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑝𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑝𝑤𝑒𝑑𝑒𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑎𝑡 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑎𝑦
𝑡𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝𝑖𝑛 𝑛𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑘𝑎𝑙 𝑠𝑎 𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑢𝑛𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑜 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎 𝑛𝑦𝑜.

- 𝑓𝑟𝑜𝑚: 𝐽𝑍

Kumuha ako ng limang libo sa wallet ko at inipit kasama ang sulat na itinupi ko.

Lumapit ako sa pinto nila at isinuksok ang sulat sa ibaba ng pinto nila. Kumatok ako sa pinto nila at ng makarinig ako ng yapak ng paa papalapit ay mabilis akong tumakbo papunta sa likod ng puno na may kunting layo sa bahay nila.

Sumilip ako sa bahay nila at nakita kong si kuya ang kumuha ng sulat. Luminga-linga naman sa paligid si kuya ng matapos mabasa ang sulat at makuha ang pera.

Pinag-masdan ko ang mukha ni kuya at may nakita akong lungkot sa mga mata nya. Nakita ko ring bumaksak ang luha nya.

May ilang minuto rin syang luminga bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila.

Pagpasok ni kuya ay mabilis akong umalis sa pagkakatago sa likod ng puno at mabilis na tumakbo pabalik sa kotse ko.

Nang makarating ako sa pinagpark ko ay mabilis kong ipina-andar yon at umuwi.

8:56pm na ako ng maka-uwi sa bahay. Puro galit, sermon at tanong ang binungad nila sakin pagpasok ko sa loob ng bahay pero ni-isa ay wala akong pinakinggan. Hinayaan ko lang silang pagalitan at sermunan ako. Hanggang sa magsawa sila sa pagsermon sakin at pina-akyat nila ako sa kwarto.

Hindi na ako kumain dahil wala akong gana.

Pagpasok ko ng kwarto ay agad akong dumaretso sa cr para magbihis ng pantulog. Pagtapos kong magpalit ay mabilis akong humiga sa kama. Punong puno ang isip ko tungkol kay kuya. Hanggang sa makatulog na ako. Zzzz zzzz zzz
.
.
.
JULY 8 THURSDAY

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now