𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 31

98 59 19
                                    

𝐓𝐀𝐒𝐇𝐀 𝐏𝐎𝐕:

Nandito kaming pito sa may pinto kasama sina cass at chelle dahil lunch break pa naman kaya dito muna sila.

Naka-tingin lang kami lahat kay jaz na hanggang ngayon ay tulala at minsan nakikita namin lumuluha.

Hanggang sa lumapit sa kanya sila calvin,renz,matt at fran.

"Jaz, okay ka lang ba?" Rinig naming tanong ni renz sa kanya pero hindi sila pinansin ni jaz.

"Jaz, kanina ka pa tahimik, may problema ka ba?" Nag-alalang tanong ni calvin pero hindi parin sila pinansin.

Lumapit naman si renz sa bandang harapan ni jaz at kinaway ang kamay nya sa tapat ng mukha ni jaz pero wala parin effect kay jaz at tulala parin tulad ng kanina pa nyang ginagawa.

Napa-bugtong hininga na lang silang lahat. Napa-tingin na lang ako kay chelle ng magsalita sya.

"Tasha, okay lang ba si zham?" Nag-aalalang tanong ni cass sakin.

"Di ko alam, kasi kahapon masaya pa naman sya" Malungkot na ani ko. kaya tumango na lang sya.

"Nag-aasaran pa nga kami kahapon eh" Malungkot na ani din ni bebe ko.

Naging tahimik kami ngayon dahil walang maingay samin at hindi kami sanay. Kahit alam kong bagohan pa lang sina ken,red,cass at chelle samin alam kong napa-saya rin sila ni jaz dahil sa mga kalokohan nya.

Pero pare-pareho kaming napa-tingin kay carl na parang may ini-isip.

"Hoy carl, ano ini-isip mo?" Tanong ko kay carl. Kaya tumingin naman sya samin.

"Ini-isip ko lang yung hinatid ko kahapon si jaz sa bahay nila. Parang nag-iba yung itsura nya, parang naging malungkot sya nung makita nya yung kotse nila tito at tita" Mahabang sabi nya.

"Umuwi na ba sila tito at tita?" Tanong ni tyron sa kanya.

"Ata?..." Kibit balikat nyang sabi. Kaya tinignan namin sya ng may pagta-taka.

"Huh? Kala ko ba nakita nyo yung kotse?" Takang tanong ko sa kanya.

"Hindi ako sigurado kila tita yon, kasi diba nga paiba-iba ng sasakyan ginagamit nila" Paliwanag na sabi nya. Kaya napa-tango na lang kami.

"Ah teka my love sino yung tinutukiy nyo?" tanong ni bebe ko sakin.

"Ah yung mga magulang ni jaz" Naka-ngiting sagot ko sa kanya. kaya tumango na lang sya.

Pero napa-pansin namin na kanina ding walang kibo si ken kaya tumingin ako sa kanya.

"Ken, bakit ang tahimik mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, hindi lang ako sanay na tahimik si my baby" Malungkot na ani nya.

"Mahal mo talaga noh?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"Oo naman higit pa sa buhay ko"Malungkot na ani nya. Kaya tumango na lang ulit kami..

"Alam mo kasi my love, simula nung na-inlove yang si ken kay nene nag-iba yan eh" naka-ngiting sabi ni bebe ko kaya sya naman ang tinignan namin ng pagta-taka pero ng tignan namin sina chelle at cass ay naka-ngiti lang.

"Huh? Panong nag-iba?" takang tanong ni carl pero si chelle na ang sumagot non para kanya.

"Nag-iba, kasi dati si ken masungit at laging naka-nuot ang mga kilay nyan kala mo laging nagha-hanap ng away. Pero nung na-inlove sya kay zham naging pala-ngiti na sya at laging naka-tawa kala mo wala ng bukas dahil sa sobrang ngiti." Naka-ngiting paliwanag nya kaya napa-tango na lang kami.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon