EPILOGUE

56 16 86
                                    

EPILOGUE

"TAMA NA PO!! MOM!!"

Naiyak na Sabi ko. Walang humpay sa pagpalo sakin ni Mommy ng sinturon sa pwet ko.

Nabasag ko kasi ang vase namin dahil naghahabolan kami ng mga kaibigan ko.

Pinauwi na agad ni Mommy Sina Cass, Chelle at Red dahil sa nangyari.

"ANG TIGAS TALAGA NG ULO MO!! SINABI NG WAG NA WAG KAYONG MAGLALARO DITO SA LOOB NG BAHAY!!" Galit na sabi sakin ni Mommy.

Tuloy parin ang iyak ko. Nakita ko ang 1 year old kong kapatid na si Kate na naka-upo sa crib nya. Umiiyak habang naka-tingin sakin.

Naaawa ako sa kapatid ko dahil sa ganyang edad nya ay nakakakita sya ng gantong pangyayari. Habang patuloy parin si Mommy sa pagpalo sakin ay tumayo na Ako at tumakbo palabas ng bahay. Ayokong ma-trauma si Kate sa nakikita nya.

"KENNETH KENZHEN!!!"

Sigaw ni Mommy sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin yon at patuloy parin sa pagtakbo.

Hindi ko na namalayan kung ilang minuto na akong tumatakbo. Hanggang sa makakita ako ng isang malaking puno kaya lumapit Ako don at nayuko pero patuloy parin sa pag-iyak.

Hindi nagtagal ay may naramdaman akong humawak sa ulo ko. Kaya napa-tingin ako sa humawak at bunungad sakin ang babaeng...

.
.
.

Nagising nalang ako dahil sa ingay ng paligid ko. Minulat ko ang mata ko. Bunungad sakin ang puting pader at kisame. Puti? Nasa hospital ba Ako? Napa-tingin ako sa karayom na nakatusok sa kamay ko.

"Gising na si Ken"

"Tita! Gising na po si Ken"

Nakita ko ang mga kaibigan ko na sabay sabay na lumapit sakin Kasama ang parent at kapatid ko.

"Anak, kamusta pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Daddy.

Hindi ako sumagot pero ngumiti nalang Ako sa kanya. Nagtatanong sila ng kung Ano ano sakin pero puro tango at ngiti lang ang sagot ko sa kanila.

"NETH!!"

"NETH!!"

"NETH!!"

Bigla akong napa-hawak sa ulo ko ng makaramdam ako ng sakit ng ulo dahil sa narinig ko.

"Z!!!"

Sigaw ko habang naka-hawak sa ulo ko. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako habang paulit ulit na tinatawag ang pangalan nya.

"Si Z Mommy?! Nasan na sya?" Tanong ko pero walang sumagot sakin pero nakita kong umiwas ng tingin sina Mommy at Daddy.

Tanda ko yon. Ayon Yung nakidnap kami ni Z dahil sakin. This is all my fault! Dahil sakin nadamay ka pa Z. I'm sorry..

Natataranta na ang mga tao rito sa loob ng kwarto. Bigla nalang may dumating na mga doctor at may kung anong tinurok sakin. Bigla nalang dumilim ang paningin ko hanggang sa bumagsak nalang Ako sa kama.

.
.
.

Mula ng mangyari yon ay tinatak ko sa puso ko na hahanapin ko si Z hanggang sa pagtanda ko. Hindi ako magmamahal ng iba SYANG LANG AT WALA NG IBA!.

High school na ako ngayon at first day namin ng mga kaibigan ko dito sa GIHS dahil umalis na kami sa dati naming school dahil sa Hindi magandang karanasan.

Ilang araw palang ang lumipas simula ng pumasok kami ay nakaramdam Ako ng ibang pahiwatig. Pakiramdam na tulad ng naramdaman ko kay Z noon at parehas ng nararamdaman ko ngayon sa babaeng kaharap ko ngayon.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now