Chapter 4

5.6K 178 5
                                    

Kiro’s Point Of View:

Natulala ako at tinignan ang babae na naglakad palabas. Huminga ako nang malalim at tinignan nang masama ang mga estudyante na kanya kanya ang balik sa kanilang upuan. I clenched my fist because she’s accusing me for doing nothing with her but the truth is, ako naman ang nag-utos na gawin ‘yun sa kanya, I want to act! Masyado s’yang mayabang at maangas sa paningin ko kaya naman gusto ko siyang umalis dito. 

“That girl,” ani ko habang naglalakad kami papunta sa classroom. “Humanda talaga s’ya sa akin.”

“Grabe. Hindi ako makapaniwala na kaya ka niya,” sambit ni Matthias. “Now that we saw her face…damn.”

Naalala ko na naman ang mukha ng babaeng ‘yun. She had a golden brown eye, fox brow, mandu cheeks, a cute little nose, a sexy jaw, and her natural pointy lips. I closed my eyes dahil aaminin kong maganda s’ya at tamang tama ang katawan niya. Bakit ba ganito ang nasa isip ko? That girl is my enemy!

“She looks hot,” ani ni Austin at ngumisi. “Hindi ba ganun ang hanap mo sa isang babae huh?”

“Shut up, Austin!” Tumawa lamang s’ya at napailing na lamang sa akin. 

Natapos ang morning class namin at agad akong tumayo. Hinawakan ko ang labi ko at kumunot ang noo ko nang makita si Stephanie na nasa labas, nandito na naman ang babaeng ‘to na kulang na lang ay ayaw ng umalis sa paningin ko. Hindi ko alam bakit niya pinagpipilitan ang sarili niya sa akin, she wants money? I can give that to her. 

“Babe!” si Stephanie nang makita ako. “Gosh! What happened to you kanina? I got the news, who’s that girl?”

“That’s not your business, Steph.” Tinignan ko ang mga estudyante na nakatingin sa akin kaya nagtaas ako ng kilay. 

“It is my business babe. Sinabi ni Auntie na may dinner tayo kaya naman sumama na ako sa ‘yo,” aniya sa malambing na boses at hinawakan ang braso ko. “Besides that you’re my fiancè I need to watch over you lalo na ang mga babae.”

Napangiwi ako at agad na pumunta sa parking lot. Napahinto ako nang makita ang babae na ‘yun na nakasandal sa kanyang motor habang hawak ang isang lollipop sa kanyang kamay. Napatingin s’ya sa akin at kagaya kanina, blangko ang kanyang mukha ngunit ang kanyang mga mata ay may iba’t ibang emosyon.

“Athena, tara na!” Si Joy sa malakas na boses at agad na sumakay sa motor. 

Athena. Tinignan niya ako at agad na sumakay sa kanyang itim na motor, namangha ako at agad na napatingin sa kanyang motor. May babae pa pa lang ginagamit ng motor? That’s new. Tinignan niya ako at agad na umalis kaya naiwan kami na nakatingin lamang sa kanya, kaysa mag-aksaya ng oras ay mabilis akong sumakay sa kotse ko. 

“See you.” Tumango ako kina Charlie at sa wakas hindi ko kasama si Steph dahil dumating ang mga kaibigan niya kaya iniwan niya ako. 

Kaagad kong pinaandar ang kotse ko papunta sa mansion. Kailangan kong kausapin si daddy sa business na binigay niya sa akin, nandoon rin kasi ang dalawa kong babae na kapatid kaya naman gusto ko silang makita. Namiss ko rin ang dalawang ‘yun dahil masyado silang naging abala sa pagiging Doctor. 

“Nasaan sila?” tanong ko nang makababa ako ng kotse ko. 

“Nasa living room po,” ani ng maid kaya agad akong tumango. 

Naglakad ako papunta sa loob at agad kong nakita ang mga kapatid ko. Wala dito si kuya dahil abala rin s’ya sa ibang bansa. Ngumiti ako sa kanila at agad naman akong niyakap ng aking mga kapatid. Natawa ako nang makita si Ate Kylee at ang kanyang boyfriend kaya ngumisi ako at tumango. 

“Glad you’re here,” ani ni Ate Kayleigh at ngumiti ng matamis. 

“Dumaan lang ako dito dahil may pupuntahan pa ako,” ani ko sa kalmado ang boses. “Mom, dad.”

Tumango si mommy at ganun rin si daddy kaya ngumiti ako. Agad kaming pumunta sa dining area at agad na napag-usapan nina mommy ang tungkol sa business nila since ang mga Buenaventura ay gumagawa ng wines kasama ang mga Valeria. The maids came with my foods kaya naman agad akong kumain dahil kanina pa ako walang kain. 

“The Buenaventura’s are finding their heiress. Sinabi sa akin ng Chairman na hindi nila mahanap ang nag-iisang babaeng apo nila at ilang taon na rin, kaya naman naisip nila na baka nandito sa Pilipinas ang kanyang babaeng apo,” ani ni daddy. 

Matagal na ang issue na ’yun ngunit hanggang ngayon wala pa rin ang babaeng apo nila. Simula nang dumating kami dito sa Pilipinas ‘yan ang laman ng iba’t ibang balita na talagang nawawala ang babaeng apo ng mga Buenaventura. Hindi rin naman nila mahanap dahil magaling itong magtago at kung saan-saan pumupunta. 

“Until now?” tanong ko. “Hindi ba matagal na ang isyu na ‘yan? I thought Buenaventura had a lead?”

“As of now ay wala pa,” ani ni Ate Kylee. “Sinabi sa amin ni Chairman na masyado nang malungkot ang empress ng mga Villacorta dahil na rin sa wala pa ang babaeng apo nila.”

Akala ko sa movie lang mayroong royal family. Since the Villacorta is here, naniniwala na talaga ako sa ganun dahil nakita mismo ng mga mata ko ang empress nila at ang buong pamilya niya. Sabi nila, ang nag-iisang apo ng mga Buenaventura ay ang susunod na Empress at kalat na rin sa iba’t ibang lugar na taga Spain sila at may malaking palace. 

Pagkatapos ng dinner namin ay agad akong umakyat. Huminga ako nang malalim dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mahigpit na hawak nung babaeng ‘yun sa kwelyo ko. Mabigat ang kanyang kamay at nakita ko rin ang mga mata niya, pinilig ko ang ulo ko dahil nasa isip ko na ang mga mata niya. When she looked at me, para siyang pusa, ang mga mga mata niya ay kakaiba at kung titignan mo ay para itong nang-aakit.

“Oh, stop that, Kiro.” Tumawa ako at napailing. “She’s a squatter. Malay ko ba na isa siyang gold digger?”

Maya maya ay tinawagan ko ang mga kasama ko dahil sa mga baril na papunta na sa Canada. Isa rin ang Dragons sa mga nagbebenta ng baril at iba’t ibang bombs sa iba’t ibang lugar. Isa rin kami sa mataas na rank sa gangster arena at kami rin ang kinatatakutan ng lahat kaya naman malaya namin na ginagawa ang mga gusto namin. 

“Athena...” bulong ko at kumunot ang noo. ”Familiar ang mukha niya.”

Tinignan ko sa internet ang mukha niya ngunit wala akong makita bukod sa mga motor at baril. Kumunot ang noo ko dahil bakit ko nga ba siya iniisip? Ano ang pakialam ko sa kanya? Maya maya tumunog ang cellphone ko at si Charlie lang naman ang tumatawag. 

[Bro, ang mga pinapagawa mo ay tapos na. Sinabi ko na rin sa iba ang plano mo para sa ibang group.]

“Good to know.” Ngumisi ako. “Akala ba nila matatakasan nila ako? Hindi ba nila alam na kayang kaya ko silang patayin?”

He chuckled. [Alam ko ang kakayahan mo kaya naman alam ko ang gagawin mo sa mga taong nag-traydor sa iyo.]

I trained well. My daddy trained me kaya wala akong magawa kundi ang mag-training kahit hindi ko gusto. Si daddy ang may dahilan kung bakit malayo ang loob ko sa kanya at kay mommy, pareho silang walang ginawa kundi ang bigyan ako ng responsibilidad.

Huminga ako nang malalim. Ever since I was young, they’re pressuring me to do more and to always do my best. I never felt the love kagaya ng ibang parents, hindi ko kailanman naramdaman ang mahalin ng kahit na sino at ang huling nagmahal sa akin ay ang taong nagawa akong traydurin. Hindi ko alam kung kailan ko mararanasan ang pagmamahal na gusto ko ngunit gusto kong magmahal nang totoo.  

I will wait for the right girl for me. Kapag nahanap ko ang babaeng ‘yun ay hindi ko na ito papakawalan pa. Pagod na pagod na akong maging ganito kaya naman kung may nagmamahal sa akin, tatanggapin ko nang buong buo.

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon