Chapter 27

3.4K 92 22
                                    

ALL STAR GAME

Kiro's Point Of View:

Nagsimula ang laban at agad kong nakita si Athena na naglalakad, panay ang tawag sa kanya ng kung sino man kaya tumaas ang kilay ko. Tinignan ko s'ya na nakatayo doon at bumaba ang tingin ko sa legs niya.  Bumuntong hininga na lang ako dahil kahit saan tingnan, maganda ang katawan ni Athena. Hindi katulad sa ibang babae na payat tignan, si Athena ay mataba ngunit ang kanyang katawan ay pasok sa pagiging model sa iba't ibang lugar. Ayoko rin na maging model s'ya, gusto ko akin lang ang katawan niya at ayokong makilala s'ya ng buong mundo, selfish na kung selfish pero ayoko. 

"Go, Athena! Kaya mo 'yan!" Ang mga kaibigan ni Athena sa likod namin habang hawak ang banner. 

Tumakbo si Athena at sinalo ang bola, malakas na tumama ito sa kabila ngunit nagawa pa rin nilang ipasa sa kanila pabalik ang bola. Kumunot ang noo ko at agad na tumayo para panoorin si Athena, masyadong seryoso ang laban nila at hindi kailanman nagpatalo ang kabilang team. Serve the ball from behind the line at the back of the court. If you serve from in front of the line it will be a point for the other team. 'Yun ang ginawa ni Athena at nagkaroon sila ng point, I clapped my hands at humalukipkip sa gilid. 

Athena is the setter, the setter is considered to be the most important position in volleyball. The setter on the team is the leader. Just like a quarterback in football, a setter in volleyball is in charge out on the court. Kaya lahat ng team niya ay sa kanya nakatingin kapag may mga pagkakataon na hindi nila alam ang tamang timing kung paano kukunin ang bola. 

"Shoot!" sigaw ko dahil muntik nang madapa si Athena. "Oh, my Goodness!"

Kinakabahan ako at mabuti na lang ay tumayo agad s'ya. Kumunot ang aking noo at tinignan s'ya na tumango lang sa kanyang mga ka-team. Maya maya lang ay tumawag ng break ang kabila, huminga ako nang malalim at agad kinuha ang towel at bottled water sa gilid ko. I waited for her to come in front of me and she did. Tinignan ko ang kanyang katawan at pababa sa kanyang suot, huminga ako nang malalim. 

"You okay?" tanong ko at padabog niyang kinuha ang bottled water at towel. "Ako na."

"Kaya ko," aniya sa seryosong boses kaya tumango ako at nanood na lang sa harapan niya. 

Nakita ko sa screen sa taas ang mukha naming dalawa, kinagat ko ang labi ko dahil kaya pala sumisigaw ang mga kaibigan niya ay dahil kami ang nasa screen. Parehas ang aming number kaya ngumisi ako at inayos ang bangs ni Athena. 

"Bakit mo ba ako iniiwasan?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. "Why? Did I do something wrong?"

"Wala." Hindi niya ako tinignan at nanatili ang tingin niya sa unahan. "Doon muna ako."

Hinawakan ko ang braso niya at sa inis ko ay nilagay ko ang mga braso ko paikot sa kanyang baywang. The crowd screamed kaya nanlaki ang mga mata ni Athena habang nakatingin sa akin, seryoso ko lamang s'yang tinignan. 

"Dahil ba sa sinabi ko sa 'yo? Sa harapan ng gago mong ex-boyfriend?" sarkastik ang tanong ko. 

"A-ano ba? Let me go." Hinawakan niya ang braso ko ngunit mas hinila ko s'ya papunta sa akin. "Kiro, kapag hindi ka tumigil ay gagawin ko talaga 'to."

"Why are you avoiding me? Kahapon pa," ani ko at pinagmasdan ang mukha niya. "Fine! Kung may nagawa man ako, sorry! Sorry!"

Naiinis ko s'yang tinignan at natigilan naman s'ya. Inis kong binitawan ang baywang niya dahil nasabi ko na ang salitang 'sorry' na kahit kailan ay hindi ko sinasabi. Tinignan niya ako habang nakaawang ang labi, tumalikod ako at hindi s'ya pinansin. Ang awkward para sa akin ng ginawa ko, tinignan ko s'ya nang palihim at nakita kong kunot ang noo niya ngunit hindi rin nagtagal ay umalis rin sa aking harapan. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon