Chapter 53

2.3K 69 2
                                    

Kiro's Point of View:

"Due to a car accident, Mrs. Villacorta, the empress of the royal family, died today."

Napaawang ang bibig ko habang nasa sala ng penthouse ko. Weekends ngayon at nandito ako sa penthouse ko para gawin ang mga assignments ko. Napatingin ako sa TV at hindi makapaniwalang napatingin doon, ganun kabilis? Parang nung nakaraang araw lang ay masaya pa s'ya at makikita mong ligtas s'ya. Unti-unti kong inaabot ang cellphone ko at sinagot 'yun.

[Kiro, pumunta ka dito sa mansion. We need to go to the Villacorta mansion]

"Y-Yes, dad." Binaba ko agad ang tawag at hindi pa rin makapaniwala na wala na ang empress.

Mabilis akong pumunta sa kwarto at agad na nagbihis. Sinabihan ko rin ang mga kaibigan ko at sabi nila, papunta na rin sila sa mansion. Mabilis akong lumabas at sumakay sa elevator para pumunta sa ibaba, nang makababa ay agad akong naglalakad papunta sa kotse ko. Pinaandar ko 'yun hanggang sa makapunta sa mansion namin, bumaba agad ako at mabilis na pumunta sa loob.

"Mom," tawag ko.

"Mabuti at nandito ka na," ani ni daddy. "Hindi rin namin inaasahan ang nangyari at bigla na lang nawala ang empress. Tinanong namin sila Antonio ngunit maging sila ay walang mahanap na sagot."

Napailing ako dahil kahit ako ay hindi inaasahan na bigla na lang mawala ang empress. Tinignan ko sila Kayleigh na mugto na ang mga mata, ganun rin sila Ate Kylee na umiiyak na. Mabilis kaming pumunta sa labas at kanya-kanya kaming nakasakay sa kotse ng bawat isa. Sa kotse ko ay nandito si Kylee na panay ang text sa mga kaibigan niyang Villacorta.

"Si Athena..." bulong niya at nangilid na naman ang luha sa mga mata niya. "Sigurado akong sisihin niya na naman ang sarili niya sa nangyari."

"Why?" tanong ko. "Nagtataka na talaga ako, Kylee. Ano bang koneksyon niya sa mga Villacorta?"

Tinignan niya ako at kumunot ang noo niya. "Hindi ba sinabi sa 'yo ni Athena?"

Natigilan ako at umiling dahil kahit kailan ay hindi na kami nag-usap ni Athena. Wala na akong balita sa kanya at ayaw ko rin s'yang kausapin. We broke up, anong karapatan kong kausapin s'ya, right? Tahimik kaming nakarating sa mansion ng mga Villacorta. Nagkaroon pa ng sagutan sa pagitan ni lolo at ng chairman. Ayaw niya kasing pumunta dito dahil aniya, konektado pa rin ang mga dugo ng mga taong pumatay sa kanyang asawa.

"Hindi ka gagawa ng gulo, dad. Nakikiramay tayo sa kanila, make them at peace for now," ani ni lolo.

"I told you that I don't want to come here. Ayaw kong makita ang pamilya nila!" si chairman sa malakas na boses habang hawak ang kanyang tungkod.

Napailing na lang ako at agad na sumunod sa kanila papunta sa malaking garden sa likod ng bahay ng mga Villacorta. Nakita ko kaagad sila Rich na nakasuot ng kani-kanilang salamin habang nakaupo sa unahan. Nakita ko rin ang mga Buenaventura sa kabilang table kasama ang mga royal guards. Tinignan ko ang paligid bago ako umupo sa table namin nila Austin.

"Wala si Athena," mahinahon na sambit ni Austin ngunit alam kong inaasar niya ako.

"Hinahanap ko ba?" iritadong tanong ko.

Nagtaas s'ya ng kilay. "Ay hindi ba? Akala ko kasi hinahanap mo, panay kasi ang tingin mo sa bawat sulok. Sinabi ko lang, baka kailangan mo ng impormasyon."

Pabiro ko s'yang sinuntok sa inis ko. Natawa s'ya at sabay-sabay kaming napatingin sa gintong kabaong ng empress. Dahan-dahan kaming naglakad doon at napasinghap ako nang hindi ko na makilala ang mukha niya, sunog ang kalahati ng mukha niya at ang kalahati ng katawan niya.

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon