Chapter 15

4.1K 111 17
                                    

Joy’s Point Of View:

Ito na nga ang chismis. Nakita namin sina Athena at Kiro sa dancefloor at hindi ko kaya ang nakita ko! Totoo bang si Athena ‘yun o baka naman hindi? Hindi gagawin ni Athena ang halikan ang isang lalaki kung wala namang dahilan. Alam kong nakikita niya kay Kiro si Kyle pero iba pa rin ang pagmamahal ni Athena para dun, we acted like we don’t see but the truth is nakita talaga namin dahil puro glass window ang nasa paligid namin. 

Athena is my long time friend. Nakilala ko lang naman s’ya dahil sa isang fraternity kung saan kasali ako and we became friends because she helped me to beat those who want me killed. Matagal na rin ‘yun at nandoon rin ako nung niloko s‘ya ni Jonas sa kaibigan namin noon, lahat ng problema ni Athena ay alam ko at naaawa na rin ako sa kaibigan ko dahil hindi biro ang lahat ng nangyari sa kanya. 

“Why did you kiss me?” mariin na tanong ni Kiro, dahil malapit lang sila sa akin ay naririnig ko ang mga sinabi niya. 

“You don’t need to remember the kiss,” ani naman ni Athena na para bang normal lang sa kanya ang ginawa niya. Malamang ay sa ibang bansa ay kung sinu-sino na naman ang hinahalikan niya. “Don’t act like you don’t respond to my kiss kasi kung ayaw mo talaga, dapat tinulak mo na ako, right?”

“Don’t you ever do that again. It‘s disgusting,” ani ni Kiro at uminom ng beer. 

I want to laughed dahil nakita kong s’ya ang humawak sa panga ni Athena para mas lumapit pa ito sa kanya. Matagal ko ng napapansin si Kiro at sa tingin ko pareho lang kami ng alam ni Austin at Matthias dahil hindi naman ganyan si Kiro. Ayaw na ayaw niya sa mga babae at para sa kanya para lang itong isang barbie doll na kapag wala ng kwenta, basta niya na lamang ito iiwan sa kung saan. 

Pagkatapos namin sa bar ay naisip ko na dun na lang sa penthouse ni Athena dahil wala rin naman akong kasama sa bahay. I lived in a broken hearted family, si papa ay nandoon na sa babae niya at ang mama ko naman ay may iba ng pamilya kaya naman hindi ko kayang manatili sa bahay dahil nandoon ang step father ko. Tinignan ko si Charlie na may kasama na namang babae, bumuntong hininga ako. He’s my crush for almost a year at nasasaktan ako kapag nakikita kong may babae s’yang kasama, pinilig ko ang ulo ko at mabilis na sumakay sa motor ko. 

Mabilis kaming nakarating sa penthouse ni Athena. Sila Rina ay doon rin dahil may gagawin daw sila, alam ko naman kung ano ang ginagawa nila at alam ko rin ang tungkol sa empire. 

“Bakit mo nga ba hinalikan si Kiro?” tanong ko kay Athena na nakaupo sa sofa. 

“Hindi ko rin alam,” aniya at napasinghap naman ako. “May iba talaga sa kanya at hindi ko alam kung bakit. I’m trying to build my walls again pero sa tuwing nakikita ko ang mukha niya pakiramdam ko ay si Kyle s’ya.”

I sighed and held her hands. “Mali ang ginagawa mo, Louise. Kahit ako ay nagulat sa ginawa mo pero alam ko ang dahilan pero sana naman hangga‘t wala ka pang nararamdaman dun sa tao ‘wag mo sanang gawin ang bagay na ‘yun.”

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil Monday na naman. Napatingin pa ako sa labas dahil nandoon sina Rina at tulog na sa kama sa labas, napailing na lang ako dahil malaki naman ang penthouse kaya naman kahit ilang tao ay kaya. I cooked our breakfast at napangiwi ako nang makitang kaunti na lang ang stocks ni Athena kaya napailing ako, napatingin ako sa living room at nakita na gising na si Rina. 

“Morning,” ani ko at tinaas ang plato. “Breakfast tayo.”

“Anong oras na?” tanong niya at nagtataka naman akong tumingin sa kanya. “Joy! Kailangan nating lagyan ng injection si Athena!”

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa wall clock dahil 6 in the morning na. Mabilis kaming pumunta sa kwarto ni Athena at ganun na lamang ang gulat ko nang makita si Athena, nasa kama at pula na ang kanyang mga mata. Napasinghap ako at napalunok dahil tuwing umaga ay ganito s‘ya at 30 minutes bago s’ya maging kalmado, tinignan niya kami at blangko ang kanyang mukha kaya napalunok ako. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon