Chapter 59

2.6K 74 2
                                    

Kiro's Point of View:

"You're invited to our family dinner. I hope you come."

That was the letter given by the Chairman Buenaventura. Tinignan ko si mommy na nagtatakang nakatingin sa akin. Huminga ako nang malalim at iniwas ang paningin sa kanya. I know I shouldn't accuse her because I know my mom. I know she's not doing anything to Athena's family. Tinignan ko si Kylee at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nasa tabi niya si Jonas. 

"Mamayang gabi? Bakit kailangan natin magpakita sa kanila?" tanong ni Chairman. 

"We don't know. Maybe we missed something. Pumunta na lang tayo dahil 'yun ang nakalagay sa letter," sabi ni lolo. 

Tinignan ko muli ang letter. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko habang nakatingin sa pamilya ko. Did I miss something important? May mga sikreto bang hindi ko alam pero alam nila? Napailing ako at agad na tinago ang letter. I have this feeling that I need to prepare myself for this dinner. Hindi magi-imbita ang mga Buenaventura kung hindi 'to importante lalo na't nakauwi na si Athena. 

"Is Athena okay?" tanong bigla ni daddy. 

"Yes. She's still recovering. Marami s'yang sugat and she's pregnant," mahinahon na sabi ko. 

"What?" si Chairman Sandoval. Gulat at galit ang nakita ko sa mga mata niya at hindi ko alam para saan 'yon. "Buntis ang tagapagmana ng mga Buenaventura?"

Tumango ako. "She's weeks pregnant. Huli ko ng nalaman na buntis s'ya dahil naghiwalay kami."

"You must be kidding me. Hindi ko matatanggap ang batang 'yan! Ngayon pa lang pag-isipin mo ng mabuti. Ayaw kong magkaroon ng apo na anak ng isang mamamatay tao!" si Chairman sa malakas na boses. 

Nagtagis ang panga ko at tinignan s'ya nang mariin. He may say words to me but not on my child. Hindi ko s'ya pinansin at agad akong umakyat sa taas. I need to calm myself and I need to relax. We never knew what would happen at this dinner but I'm ready to tackle it. I wore black trousers, white t-shirt, and plain rubber shoes. Kinuha ko ang isang blazer at agad na lumabas ng kwarto para pumunta sa ibaba. 

I saw them wearing formal suits while me, tanging pambahay lang ang suot. 

"Let's go. Kanina pa tayo hinihintay ng mga Buenaventura," si lolo sa pormal na boses. Nauna na s'yang maglakad paalis ng bahay.

Pumasok kami sa sasakyan at tahimik naming tinahak ang mansyon ng mga Buenaventura. Bumusina si daddy at kusang bumukas ang malaking gate. Pinarada namin ang kotse at agad kaming lumabas and walked towards their house. Bumungad sa akin si Alfred na seryosong nakatingin sa akin. We bowed our heads a bit and walked towards their dining area. Athena looked at me and I can see that she's recovering from her wounds dahil hindi na halata ang mga marka. 

"You may sit. May hinihintay pa tayo," mahinahon na sambit ni Chairman Buenaventura. 

Umupo ako sa tabi ni Athena. She smiled a bit and nodded her head. Ilang minuto lang ay napasinghap ako nang makita ang buong pamilya ni Stephanie. Kasama si Charlie at Joy na naglalakad papunta sa lamesa. They bowed their heads and Chairman Villacorta motioned his hands to the table. Mahaba ang lamesa at naalala ko, itong apat na Villacorta ay mga abogado at dalawa sa kanila ay pulis at sundalo.   

"Bakit niyo kami pinapunta dito?" tanong ni mommy. "Tungkol saan ang family dinner na ito Chairman?"

Chairman smiled. "We will tackle some important matters that involve Athena. This is really important, Mrs. Sandoval—really important." 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon