Chapter 23

3.6K 115 33
                                    

Joy's Point Of View:

After a week ay bumalik na rin ako sa school at ang dami ko atang na-miss dahil marami nga talaga kaming requirements at mga dapat ipasa. Akala ko magiging maayos kami ni Athena pero hindi, ayoko ng ganito dahil ayokong maramdaman niya na naman na parang kasalanan niya lahat. Si Athena na lang ang nandyan para sa akin kaya ayoko na mawala s'ya sa akin. Huminga ako nang malalim dahil kanina pa kami hindi nag-uusap ni Athena at nag-aalala na rin ako sa kanya. 

Nalaman ko ang nangyari nung nakaraan at bakas pa rin ang mga sugat sa kanyang mukha lalo na sa kanyang leeg. Hindi ko naman inaasahan na pumunta s'ya sa hospital at nakakainis si mama dahil narinig pa ni Athena ang gusto niya. 

"All the students must be in quadrangle. The Buenaventura's are here!"

Sabay-sabay kaming tumayo at mabilis na naglakad at panay ang tingin namin kay Athena dahil kanina pa ito tahimik at walang kibo. Isa-isang dumating ang mga Buenaventura sa stage na nasa quadrangle. Hindi pa rin ako nasanay sa mga guards na kasama nila dahil panay ang tingin nila sa crown empress na nasa tabi naming lahat.

"Good morning everyone! I know the arrival of the Buenaventuras is a sudden announcement because we will tackle what happened to Athena, their heir." Everyone looked at Athena who was sitting and next to her was Kiro. "Of course we will also talk about the unexpected events here in our school, especially this past day."

Tinignan ko si Athena at kailan pa sila naging close ni Kiro? Aaminin ko na nakikita ko si Kyle kay Kiro. Favorite ni Kyle ang black color, mahilig sa jordan na shoes, at higit sa lahat hindi nalalayo ang mukha nila ni Kiro kaya hindi na ako magugulat kung magkaroon sila ng relasyon balang araw. Nagsalita si Bruce sa unahan at panay ang tawa ng mga estudyante sa kanya na maski ako rin dahil sa humored ng matanda. 

"Ang weird rin minsan ng pamilya ni Athena," ani ni Claire at sa tabi niya ay si Jordan. "They're so mysterious to me, lalo na si Athena when we first met."

Tumango ako at ngumisi dahil madalas 'yan ang naririnig ko. "Sabi nga nila 'wag kakantiin ang mga Buenaventura dahil ang nag-iisa nilang babaeng miyembro ng pamilya ang magiging kalaban mo."

Maya-maya ay tumayo si Victoria habang nakangisi. Hindi ko talaga gusto ang aura niya dahil laging si Athena ang ginugulo niya, hindi na s'ya na kuntento sa mga ginawa niya sa pamilya ni Athena. Maski ang funeral ni Kyle ay hindi niya pinahintulutan si Athena na pumunta doon dahil lahat sila ay sinisisi si Athena. 

"How are you today? Hindi ba kayo pinatay ni Athena?" natatawa pa niyang sambit habang nakatingin sa amin. 

Lahat kami ay napasinghap at napatingin kay Athena na kalmado at diretso ang tingin sa unahan. Ngumisi si Victoria. 

"Mabuti na lamang at 'yan lant ang inabot ninyo sa kanya..." seryosong sambit niya. "Hindi sa lahat ng oras ay kaya niyang maging mapagpasensya sa inyong lahat. Nalaman namin na maraming nagsasabi sa inyo na hindi Buenaventura si Athena?"

Napatingin kami sa gilid nang makita namin ang tatlong kapatid ni Athena. Lahat sila ay seryoso at nakatingin lamang kay Victoria na nasa unahan. Huminga ako nang malalim dahil mukhang malalaman na nila ang tungkol kay Athena. 

Hindi maganda 'to. 

"She's a Buenaventura." I heard some whispers and some gasped to other side. "Anak s'ya ng asawa ko sa ibang babae... at yes, she's my step daughter so most probably ay isa s'yang Buenaventura."

Lahat ay tahimik at walang masabi. Tinignan ko si Athena na nakayuko at panay ang iling habang nakangisi. Maya maya lamang ay napag-usapan ang mga nangyari sa school at iba. Ramdam ko ang galit ng emperor dahil kahit tignan mo lang ang kanyang mukha ay malalaman mong galit talaga s'ya. Grabe kung protektahan nila si Athena lalo pa't nung nalaman nila na may pula itong mga mata. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon