Chapter 35

3.1K 82 12
                                    

Kiro's Point of View:

Dinala kami sa isang malaking warehouse na hindi ko alam kung saan. Malaking kalaban sa organization ang nakilala ni Athena, if I'm not mistaken ay ito ang mga grupo na naging kalaban namin noon. Tinignan ko ang malaking warehouse at akmang tatayo ako nang mapatingin ako sa mga kamay ko, mayroon itong kadena at nakita ko rin sina Claire na ganun rin ang posisyon katulad ng sa akin. Napalunok ako dahil kami lang ang nandito at lahat kami ay nakaupo sa mga monoblock chair. 

"Wake up!" sigaw ko at pilit na tinatanggal ang kadena. "Rina, Claire, Abigail wake up!"

Isa-isa silang gumising at kagaya ko ay gulat rin silang napatingin sa mga kamay nila. Tinignan ko si Rina na galit ang mga matang nakatingin sa kadena, huminga ako ng malalim at napapikit ng bumukas ang mga ilaw. 

"Kylee?" gulat na tawag ko nang makita ko ang mga kapatid ko. "Ate!"

"Kiro?!" si Kylee sa malakas na boses at kagaya ko ay nakaupo rin s'ya at ang mga kamay ay may kadena. "What are we doing here?"

"May paparating," ani ni Rina kaya natahimik kaming lahat at panay ang tingin ko sa mga kapatid ko. Biglang ngumisi si Rina kaya nagtataka ko s'yang tinignan. "Athena."

Malakas ang tibok ng puso ko dahil tama s'ya. Si Athena kasama niya ang mga kaibigan namin, lahat kami ay napatingin sa unahan nang lumabas sila Jaguar. Nagtagis ang panga ko at mariin silang tinignan, marumi talaga sila kung maglaro. Ngumisi sa akin si Jaguar at blangko ko naman s'yang tinignan dahil naiinis ako sa pangit niyang mukha. 

"Itali niyo ang mga 'yan. Gusto kong matira ang babaeng maganda na 'yan," nakangising sambit ng taong hindi ko naman kilala. 

"Athena!" si Joy sa malakas na boses ngunit diretso ang tingin niya sa amin. "Ano ba? Pwede bang dahan-dahan lang? Ang sakit kaya!"

"Ang ingay mo!" sigaw ng lalaki at mabilis silang nilagyan ng kadena sa kanilang mga kamay. 

"Fuck you for shouting at her!" Si Charlie sa malakas na boses habang nakatali rin ang mga kamay niya. 

Tinignan ko si Athena na nasa gitna habang sa hindi kalayuan ay ang lamesa at upuan kung nasaan nandoon sina Jaguar at mga hindi ko kilalang tao. Gusto kong s'yang tulungan ngunit paano ko aalisin ang kadena sa mga kamay ko? Damn. I'm so frustrated and I don't think I can handle this. Tinignan ko ang mga kapatid ko at nagagalit ako dahil maski sila ay nandito pa. 

"Long time no see, Nixon," nakangising sambit ni Athena habang suot ang kanyang itim na hoodie. "Akala ko patay ka na, buhay ka pa pala."

"Magkakilala kayo niyan boss?" tanong ni Jaguar. 

Ngumisi si Nixon at binitawan ang sigarilyo na nasa bibig niya. "Matagal na kaming magkakilala ni agila. Kung hindi lang talaga ako trinaydor ng babaeng 'yan, hindi sana mangyayari ang bagay na 'to."

Tumawa si Athena at bigla na lang itong naging seryoso. Isa-isang bumukas ang pintuan at napasinghap ako nang makitang marami sila at may mga hawak na kahoy at iba pa. Napalunok ako dahil marami sila at mag-isa lang si Athena. 

"Tigre!" Napatingin kami sa main gate at nakita si Jonas. Gulat akong napatingin sa kanya dahil pumunta pa talaga ang gago para na naman magpasikat. "Kumusta ang pagiging doctor ha? Ayos ba?"

"Dapat pinatay na kita noon pa," galit na sagot ni Jonas. Mas lalo ko tuloy gustong malaman ang kanyang pagkatao. "Sinabi ko sa inyo, 'wag na 'wag ninyong gagalitin ang agila. Sinabihan ko na kayo."

Para akong nanonood ng action movie sa aking harapan. Dalawa silang nakatayo sa kanan habang sa kaliwa ay sina Jaguar at Nixon kasama ang kanilang mga tao. Tinignan ko sina Rina na may ginagawa s'yang hindi ko maintindihan. Tinignan ko naman si Chase na nasa labas at kararating lang. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon