Chapter 55

2.6K 65 7
                                    

Kiro's Point of View:

Hinihingal akong nakatingin sa kanilang lahat. Ilang beses kong pinag-isipan 'to ngunit hindi ako mapakali hangga't hindi ko malalaman ang nangyari dito mismo sa tinatawag nilang palasyo. Tinignan ko silang lahat at mabilis akong tumakbo papunta kay Athena ngunit natigilan ako nang sabay-sabay nilang nilabas ang mga espada nila at tinutok sa akin ang mga matulis na espada nila, napalunok ako.

"Quien eres y qué derecho tienes de gritar y armar escándalo aqui en palacio?" malamig na sambit ng isa sa mga royal guards.

Translation: "Sino ka at anong karapatan mong sumigaw at magdala ng eskandalo dito sa palasyo?"

Natigilan ako at napatingin sa kanilang lahat, takot na baka matamaan ako ng mga espada nila. Tinignan ko si Athena na nakatingin sa akin, may bahid na pagtataka at kaguluhan sa mga mata niya. Napalunok ako at huminga ng malalim.

"Let him." Ang boses ng Emperor ang narinig ko. Hindi man s'ya nakatingin sa akin ngunit alam kong para sa akin ang mga salitang 'yun kaya mabilis akong tumakbo at pumunta kay Athena.

I hugged her.

"A-Anong ginagawa mo?" iritadong bulong niya, hindi s'ya mayakap pabalik dahil sa mga nakalagay sa mga kamay niya.

"I went here because Joy told us about the punishment. Tang ina. Hindi ako papayag na mamatay ka na lang! Hindi mo kasalanan ang nangyari!" iritadong sagot ko at binitawan s'ya.

She smirked. "Ito naman ang gusto mo hindi ba? To see me die. Kaya anong pinagsasabi mo dyan? You can go. Hayaan mo ako."

Nagtagis ang panga ko at umiling. Tinignan ko silang lahat at agad akong tumayo, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngunit ito na lang ang tanging paraan. Sinunod ko ang sinabi ni lolo sa akin, para mailigtas si Athena ay kailangan niyang mabuntis nang sa ganun, wala ng magagawa ang mga hukom dahil ang dinadala ni Athena ang magiging sunod na prinsipe o hari ng palasyo.

"She's pregnant." Sa sinabi kong 'yun ay gulat silang napatingin sa akin, hindi man halata ngunit alam kong gulat sila.

"Kiro...hindi mo alam-"

"Kung papatayin niyo si Athena, paano na lang ang anak naming dalawa na s'yang susunod na magiging emperor o lady...empire ng palasyo," matapang kong sinabi sa kanila kahit hindi ko alam kung tama ba o hindi ang pinagsasabi ko.

Nanatiling tahimik ang mga hukom hanggang sa napatingin ako sa isang babaeng hukom na nasa kabaong ng empress. May kinuha s'ya don at marahan s'yang naglalakad papunta sa mga kasama niya dala ang isang piraso na papel, kumunot ang noo ko nang magsipag ayos sila pabilog at nag usap-usap.

"Sira na ba ang ulo mo? Hindi mo alam ang ginagawa mo!" Si Athena sa galit na boses.

"Hushed! Alam ko ang ginagawa ko! Hindi mo kailangan sumigaw at pagalitan ako dahil para sa 'yo ang ginagawa ko!" singhal ko.

Natigilan s'ya at nakita ko ang paglunok niya. Umiwas ako ng tingin at agad na napatingin sa mga hukom na ngayon ay nakatingin sa amin.

"Maaari na kayong umalis." Gamit ang salitang Spanish ay sinabi 'yun ng isa sa pinakamataas na hukom.

Gulat kaming napatingin sa kanila lalo na si Athena. Lahat ng sundalo ay nagsipagalisan na para bang walang nangyari. Ang mga tao ay umupo na at ang ilang guards ay nasa kani-kanilang pwesto na.

"Umalis na kayo at 'wag kayong babalik dito hangga't hindi namin nakikita ang susunod na magiging lady empire ng palasyo," ani ng pangalawa na hukom at malamig kaming tinignan.

"Ngunit-"

Pinanlakihan ng mata ng daddy ni Victoria ang daddy ni Athena. Mabilis kong inalalayan si Athena na tahimik at nagtataka pa rin sa nangyari. Nakakapagtaka talaga dahil biglang nagbago ang desisyon ng mga hukom. Tahimik kaming lumabas habang nasa tabi ko si Athena na tahimik at malalim ang iniisip. Nang makarating kami sa labas kung nasaan ang pamilya at mga kaibigan ko, agad silang nagtanong.

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon