Chapter 58

3K 84 20
                                    

Athena's Point of View:

"May bisita ka."

Kumunot ang noo ko at napatingin sa pinto at ganun na lang ang gulat ko nang makita si Raven, Dark, at Hanz. Sabay-sabay silang yumukod at dahan-dahan na naglalakad papunta sa akin. Tinignan ko si Kiro na nagtatakang nakatingin sa akin kaya napalunok ako at tinignan sila Rina. Am I going to keep this as a secret? Until when should I keep this secret? Until Kiro knew everything now?

"I think it's time, Athena or should I say, black widow." Napatingin ako kay Chase nang magsalita s'ya sa tabi niya ay si Kiro na naguguluhan na napatingin sa akin. 

I sighed and nodded my head. Nandito na lang rin naman si Kiro ay mas mabuting alam  niya na ang mga plano ko. This is for my piece and I'm willing to do everything just to make sure that my baby is okay. 

"Nandito kami para tumulong. Nasabi na sa amin ni Hanz ang lahat at ang buong akala namin ay hindi mo na kami babalikan, ang organization kung saan ka nanggaling," ani ni Dark. 

"Nangako ako noon na babalik ako," kalmadong sambit ko. "Hindi niyo ako pinagbigyan na ayusin lahat dahil nakinig kayo mismo kay Ezra. Maski ang emperor ay binigyan niyo ng dahilan para kalimutan kayong lahat." 

Ang Emperor ang unang taong tumulong sa kanilang lahat. Ang Emperor ang naging sandata nila mapa-illegal at legal man ang ginagawa nila. Hindi sila kailanman pinabayaan ni Emperor dahil alam niyang madadala namin sila sa emperyo kung saan may kanya-kanya silang posisyon. 

"Hindi na rin kami nagulat na pupunta kayo," sambit ni Sky. "Alam naming kusa kayong pupunta."

They sighed ngunit ang paningin ko ay na kay Raven. S'ya ang huli kong alas laban kay Ezra dahil hawak niya ang lahat ng magaling na mafia, assassins, at mga malalaking sindikato sa bansa. S'ya ang unang taong inaasahan kong kakatok sa pinto ko para sabihin ang lahat ng nalalaman niya tungkol kay Ezra at sa lahat ng illegal organization na hawak ng babaeng 'yon. 

"Athena, it's been a while. Ang huli kong kita sa 'yo ay ang mga pula mong mga mata nung minsan kang mag punta sa hideout," aniya sa kalmado ang boses. 

"Akala ko hindi mo na ako maaalala," sambit ko. 

He smirked. "After everything I learned from these two, alam kong may mali sa plano ni Ezra the moment she mentioned the Buenaventura. Sinabi niya sa akin ang tungkol doon simula sa pinatay niya ang fiancé years ago."

Natigilan ako at nagtagis ang panga ko. Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing binago ang buhay ko. Naalala ko pa kung paano bumagsak sa mismong harap ko si Kyle habang sumasayaw kami sa gitna ng park na punong-puno ng street lights. Kung paano s'ya ngumiti at magpaalam sa akin nung gabing 'yon. Huminga ako ng malalim at tinignan silang tatlo kahit paano ay may pinagsamahan kami dahil nasa iisang circle lang kami ng magkakaibigan ngunit dahil kay Ezra, nawala lahat 'yon. 

"Gusto naming tumulong," sambit ni Dark. "Hindi namin alam kung paano ka kakausapin dahil alam mo naman siguro na hindi kami basta-basta lumalapit sa 'yo dahil—"

"Takot kami sa 'yo," sambit ni Hanz at inirapan si Dark. "Gusto naming tumulong sa plano na ginagawa niyo. The more the merrier."

"Tumigil kayo, nandito tayo para tulungan si—Ikaw ba si Kiro?" nakangising tanong ni Raven nang makita si Kiro. 

Napailing na lang ako nang tahimik na tumango si Kiro. Pinagmasdan niya ang tatlo at nababasa ko ang selos at galit? Bakit at anong dahilan? Hindi ko na pinansin 'yun at agad na tinawag sila Rina na tumango at nilapag ang lamesa sa gitna namin. Sinimulan namin ang plano, ang lahat ng plano na maaaring maging magandang resulta sa laban. Huminga ako ng malalim at palihim na sinulyapan si Kiro na tahimik na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa aming lahat. 

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon