Chapter 18

3.8K 105 10
                                    

Kiro's Point Of View:

Mabilis akong pumasok sa hall kung saan nandoon ang diamond necklace na kailangan namin para sa gang. Tinignan ko ang paligid habang hawak ko ang dalawang samurai ko, pumasok kami rito ng walang taong nakakita sa amin dahil masyado silang abala sa auction. Tinignan ko sina Charlie at agad naman silang tumango sa akin at pumasok sa isang room na nasa dulo ng hallway. 

“Sigurado ka ba na nandito?” tanong ni Matthias habang hawak ang kanyang dagger na kanyang paborito. 

“We already talked about this, Mat at ikaw na rin ang nagsabi na nandito ang necklace,” kalmado ang sagot ko.

Napasinghap ako ng bumungad sa amin ang lazer. Sa dulo nun ay ang glass container at nandoon ang necklace, una akong pumasok habang silang tatlo ay nasa labas at tinitignan kung nandyan na ba ang mga guards. Ingat na ingat ako na baka isang maling galaw ko lang ay masunog ang katawan ko. I jumped carefully and moved my body carefully, pigil na pigil ko ang hininga ko dahil ito ang unang pagkakataon na pumasok ako sa kwarto na puno ng lazer. 

“Fuck! Bilisan mo na, Kiro!” si Charlie sa malakas na boses at dumating na nga ang mga guards dala ang kanilang mga baril. 

One step ahead and done. Nakangisi ako habang hawak ang necklace at narinig ko na ang mga sigaw at alarm sa labas kaya naman mabilis akong tumakbo. Gamit ang samurai ko ay sinaksak ko sa tiyan ang isa habang ang dalawa ay sa parehas na dibdib kaya napangiwi ako sa dami ng dugo na lumabas sa kanilang katawan. 

“Emergency exit!” sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa ibaba at nakita namin dun ang emergency exit kaya dun kami pumunta. 

I sighed when we stepped inside the car while holding the necklace, tinanggal ko ang mask ko at ngumisi kina Charlie dahil malaking pera na naman. Ang bawat pera o alahas na nakukuha namin ay ginagamit namin sa mabuti na paraan. Nakikita kasi namin ang mga taong may mataas na position na ginagamit lamang ang pera para sa kanilang sariling interest na hindi na nila napapansin ang mga nasa ibaba. 

“See you tomorrow. Ano na naman kaya ang mangyayari bukas?” nakakatawang tanong ni Austin nang bumaba ako. 

I chuckled at agad na pumasok sa condominium para pumunta sa penthouse dahil may pasok kami bukas. May sarili akong elevator dahil ayaw ko na may kasabay ako o kaya naman may mga employee na kulang na lang ay maging sardines kami sa elevator. Sa pagbubukas ng elevator ay ang living room kung saan may statue sa gitna. Itim at gray ang theme ng aking penthouse at nandito rin nakatira ang assistant kong si Harold. 

“Steph?” Gulat kong tawag kay Stephanie na nasa kusina habang nakatingin sa malaking shelves ng aking mga wines. 

“Oh, hi!” She smiled and walked towards me to give me a kiss on my cheeks. “I came here because auntie told me that you're here at wala ka sa mansion ninyo.”

Huminga ako nang malalim at umupo sa sofa na nasa living room. I don’t want anyone came here without my permission dahil ayaw ko na maraming tao at gusto ko rin na ang babaeng makakasama ko lang ang pupunta dito. Tinignan ko si Steph na nakasuot ng isang red dress at nakalagay ang kanyang mga braso sa itaas ng kanyang dibdib. 

“For the last time...” I sighed irritably. “I don’t want you to come here without my permission and please, could you stop visiting me?”

“But you’re my fiancè!” I closed my eyes tightly because I’m already annoyed right now. “I’m free to visit you, to check on you, to care for you, and everything!”

“But you can’t force me to call you my fianceè because you’re Charlie's sister and we have a rule.” Naalala ko na naman ang nangyari kay Joy at ang mukha ni Athena kaya nagtagis ang panga ko. “Tell me, may alam ka ba sa nangyari kay Joy?”

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon