Kabanata 24

464 17 4
                                        

Kabanata 24

Tahimik lang ang biyahe namin— masyadong tahimik. Ang tanging ingay na umaalingawngaw sa isipan ko ay ang pag-aalala namin kina Sian at Cyan. Pero si Sian, hindi halatang iniisip ang sarili niya. Sa totoo lang, mas mukha pa siyang nag-aalala kay Cyan kaysa sa mga pasa't sugat na meron siya.

Pagdating namin sa ospital, agad na inasikaso si Cyan sa emergency room. Samantalang si Sian naman, agad kong pinilit na ipagamot ang mga sugat niya, pero tumanggi siya. Sabi niya, dagdag lang daw siya sa gastusin.

Pero hindi ko iyon pinalampas. Sa sobrang pag-aalala ko, halos pagalitan ko pa siya bago siya tuluyang pumayag na magpagamot.

"Icehelle," tawag ni Liander, kakalabas lang mula sa Emergency Room. "Nandito na 'yung doctor. Mas mabuti sigurong ikaw na ang kumausap sa kanya."

Agad akong nagpaalam kay Sian, sinabing pupuntahan ko lang si Cyan. Liander and I made our way toward my brother's patient bed in the ER. The moment I saw him lying there, my chest tightened. He was fast asleep, but my heart shattered at the sight of his badly swollen cheek.

Wala na akong ibang naiisip na may kagagawan nito kundi isa sa dalawang mag-ina. Alam kong kaya ring saktan ni Dad si Cyan, pero mas malakas ang kutob ko na si Billie o si Venus ang gumawa nito.

Bahagya akong napakapit nang mahigpit sa bed rails, pinipigilan ang galit na unti-unting umaakyat sa dibdib ko.

They'll pay for this. I swear, they will.

Cyan doesn't deserve any of this.

"Kayo po ba ang guardian ni Cyan Austine Yoon?"

Sabay kaming napalingon ni Liander sa gilid, at doon namin napansin ang isang doktor. Nasa mid-forties ito, naka-white coat, may stethoscope sa leeg, at may hawak na chart sa kamay.

"Opo," sabay naming sagot ni Liander.

Bahagyang natigilan ang doktor habang tinitigan kami. "Kaano-ano ninyo po siya? Anak ninyo po ba?"

Sabay na nanlaki ang mata namin ni Liander sa narinig naming tanong.

Ha? Anak?!

"H-hindi ho!" agad naming sagot.

"K-kapatid ko po si Cyan!" Dagdag ko.

Napakurap-kurap ang doktor bago ito napatawa nang bahagya. "Pasensya na. Akala ko kasi mag-asawa kayo."

Nagkatinginan kami ni Liander sa sinabi ng doktor, at sabay kaming namula sa hiya.

Siraulo.

"Doc, kamusta na po si Cyan?" tanong ni Liander habang tinitignan ang bata, ang kanyang mata ay puno ng pag-aalala.

"Based on the blood tests and clinical presentation, your child— sorry, I mean, Cyan Yoon—has tested positive for Dengue fever," the doctor stated, making my heart drop. "Bumababa na rin ang platelet count niya, at nagpapakita siya ng sintomas gaya ng tuloy-tuloy na lagnat, pananakit ng katawan, at mga pantal. Kailangan siyang ma-admit agad para ma-monitor ng mabuti, lalo na't mabilis ang pagbaba ng platelets. But rest assured, we will do everything we can to ensure your child's safety."

Napakapit ako sa sarili kong mga braso. Parang biglang gumuho lahat ng pinipilit kong buuin.

Dinala ko si Cyan sa private hospital, pero ngayon, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng panggastos.

Hindi ko siya kayang dalhin sa public hospital, kahit alam kong 'yon lang ang kaya naming bayaran. Pero wala na kaming oras para pumila pa. Alam ko na ang sistema rito... Mabagal, kulang sa gamit, at minsan, kulang pa sa resources at services. Hindi ko hahayaang may mangyari kay Cyan. Ito na rin ang pinakamalapit na ospital. Wala na akong ibang pinili, dahil kapakanan ni Cyan ang nakasalalay rito.

Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) |   (On - going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt