Kabanata 15

1.7K 51 40
                                        

Kabanata 15

I couldn't help but pout while studying.

I was already home, dressed in my blue pajamas with a snowflake pattern. Dapat ay nakatutok na ako sa pag-aaral ko, pero hindi ko mapigilang lumutang sa isip ko ang mga sinabi ni Venus kanina.

Napakagat ako sa labi at hinigpitan ang hawak ko sa ballpen nang muli kong marinig sa isip ko ang boses niya—like it was such a big deal that she called Liander by a nickname that only I was supposed to use.

But why am I acting this way? I shouldn't be. Besides, kailangan kong mag-focus sa pagre-review, lalo na't sa Lunes na ang parade, at malamang ay magpa-quiz ang professor namin.

Sinusubukan kong intindihin kung bakit ako ganito, but something about that girl just seemed... off. Naalala ko kung paano niya hinawakan si Liander sa braso—parang pagmamay-ari niya ito.

Napatigil ako sa pagre-review nang lumiwanag ang screen ng cellphone ko. May mga notification mula kay Liander, pero hindi ko iyon sinagot. He was calling urgently, dahil tuloy-tuloy ang kanyang pagtawag sa akin.

And curiosity got the better of me.

So, I answered.

"Hello?"

[Hey...] I heard his soft voice. [Nasa labas ako.]

Nanlaki ang mata ko. "What?"

[Are you busy? I'm sorry for the sudden call...] he said.

Napabuntong-hininga ako bago ko sinabi sa kanya na hintayin ako sa baba. Pagkababa ko ng tawag, humarap ako sa salamin at inayos ang aking umaalon na buhok.

Masyado naman akong binigla ni Liander! Sana man lang ay nagsabi siya kanina!

Pagkatapos kong mag-ayos ng kaunti, bumaba ako at lumabas ng bahay. Gaya ng inaasahan, naka-parada ang kanyang kotse sa harap. Nakita ko siyang nakatayo roon, nakasandal sa kanyang sasakyan.

Suot na niya ngayon ang kanyang gray na hoodie, hindi tulad kanina na naka-uniporme siya at may suot pang maraming sash.

Nang makita niya ako ay biglang kumurba sa gilid ng kanyang labi ang isang matamis na ngiti. "Hi, Yelo,"

I frowned at him. "It's late, Li—" napatigil ako saglit. "Li— Liander..."

I pressed my lips together as I avoided his gaze. I wasn't sure why I hesitated to call him Li. Instead, I called him Liander. That's his name, after all.

I heard his heavy sigh. Nakita kong binuksan niya ang pintuan ng passenger's seat. "Tara sa park?"

Nung una ay gusto kong tumanggi, pero naisip ko ay nag effort siya na pumunta rito, kaya sumakay nalang ako sa loob ng kotse. Napatingin ako sa back seat, nakita kong nakalagay doon lahat ng sashes niya, pati ang trophy niya tsaka ang kanyang korona. Nang pumasok siya at umupo sa driver's seat, sinabi kong dito nalang sa park ng loob ng subdivision, dahil sa oras at ayaw ko ng hassle.

Tinupad naman niya ang gusto ko, nang pumunta kami sa park dito sa loob ng subdivision ay katulad ng inaasahan ay wala nang katao-tao rito. May malaking basketball court, may mga playground rin ang mga bata, may mga bench na rin, tsaka maraming poste na nakapaligid, kaya hindi masyado madilim.

Pagkababa ko palang sa kotse ay naramdaman ko na ang lamig ng simoy ng hangin. Kung alam ko lang na tatangayin ako ni Liander, sana ay nagdala nalang ako ng jacket.

"Here," napatingin ako kay Liander, nakita kong inilalahad niya sa akin ang hoodie na suot niya kanina, at ngayon ay naka black shirt nalang siya.

"Hindi ka ba lalamigan, Liander?" I asked, kasi kung hindi, ibig sabihin ay balat kalabaw siya.

Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) |   (On - going)Where stories live. Discover now