Kabanata 32
Pagdating namin sa Tagaytay, mag-a-alas otso na ng gabi. Halos walang pahinga si Liander sa pagmamaneho. Huminto lang siya kapag nagugutom o kailangan niyang umihi.
Hindi na kami dumaan sa anumang stopover dahil ayaw niyang gabihin kami sa biyahe. Hindi rin kasi niya kabisado ang daan. Dahil ito rin ang unang beses niyang mag-out-of-town na siya ang nagmamaneho, alam kong kinakabahan siya kahit hindi niya ito ipinapakita.
Thankfully, Liander had already reserved a hotel for us. But when we arrived, I was momentarily stunned. The buildings were massive.
When we got to our hotel room, it was surprisingly spacious. There were two separate bedrooms: one for me, and the other for the three of them. Since we were on the 10th floor, the balcony gave us a great view of the surroundings. We were told that in the morning, we'd be able to see the Taal Lake from up there.
"Mahal ko," tawag ko kay Liander, na nakahiga na sa kama niya.
Sian and Cyan were still in the room with us. Their room had two beds, and the brothers were sharing one while Liander had the other to himself.
"Hm?" sagot ni Liander, nakapikit na ang mga mata. Suot na niya ang kanyang panloob na damit pangtulog at nakadapa na siya sa kama.
"Kumusta ka?" tanong ko.
Hindi ko kasi nagawang tanungin siya kanina kung kumusta na siya. Pinilit ko ring manatiling gising sa buong biyahe dahil ayokong iwan siyang mag-isa sa pagmamaneho habang natutulog kaming lahat.
"Pagod lang. Kailangan ko lang itong itulog," sagot niya. "Nag-aalala ka ba?"
"M-malamang..." mahina kong sagot sabay nguso.
"Did Noona just pout?" I heard Cyan whisper to Sian.
Napalingon ako sa kanila. Nang makita nila na tinitigan ko sila, bigla silang umiwas ng tingin at kunwaring may ibang ginagawa.
I rolled my eyes at them. Of course, they didn't know I had this side of me. This softer, pouty side was only meant for Liander. It's for his eyes only.
"Hyung, naiihi ako..." rinig kong sabi ni Cyan.
"Tara na, sakto maghanap tayo ng makakain sa labas," sagot ni Sian.
Nagpaalam muna sila bago lumabas ng kwarto.
Pagkasara ng pinto, nagulat ako nang biglang hawakan ni Liander ang pulso ko at hinila akong mahiga sa tabi niya. My eyes widened when he wrapped his arms around me, locking me in a hug. Our faces were now only inches apart.
Napalunok ako habang tinititigan ang mukha niya. Nakapikit pa rin siya. Akala ko tulog siya, pero napansin ko ang unti-unting pag-angat ng dulo ng labi niya kaya napasimangot ako.
"Ano'ng nginingitian mo diyan?" tanong ko.
"Sungit naman ng Mahal ko," mahinang tawa niya. "I just wanted to see you pout."
"Kailangan ko nang tumayo."
Pilit kong kumawala pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya. He was way too strong.
"Ayaw mo ba akong yakapin?" biglang tanong niya. His eyes opened just enough to reveal a soft, pleading look like a puppy I couldn't possibly resist.
"G-gusto, syempre... Kaso baka may makakita sa atin," sabi ko habang palihim na tumingin sa pintuan na nakasara.
"Mamaya pa sila babalik. Narinig kong sumara ang main door," sagot niya. "Gusto lang kitang makasama."
"M-magkasama naman tayo halos araw-araw, Liander. Konti na lang, baka magsawa ka na sa pagmumukha ko," biro ko. I mean, apat na taon na kaming magkasama— hindi pa ba siya nauumay sa akin?

YOU ARE READING
Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) | (On - going)
RomancePart Time Series #1 (Completed/Major revision) What is a dream? It's a question that many ponder. Is it your future job? Your planned career? A goal you've longed for? Or the life you hope to have one day? For Icehelle Kendra Casimiro, her only dre...