Kabanata 23
There are things we really have to accept, no matter how painful. Like swallowing an entire thorn down your throat. It's the kind of cut that always bleeds.
Tears are still streaming, nonstop. Ilang araw na ang lumipas, pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang nakita ko. Kahit sa panaginip, sinusundan pa rin ako. Hindi ako maka-function nang maayos. Hindi ako makapag-aral nang maigi, at hindi rin ako makapag-concentrate sa trabaho.
Buti na lang at pumapasa pa rin ako sa mga quiz at lab tests, pero...
Hindi ko mapigilang tumingin sa phone ko. Nandiyan pa rin ang mga notifications, at alam kong galing sa kanya. Binuksan ko ang notification bar, at nakita ko mga chat niya, mga missed calls niya. Lahat mula kay Liander.
Liander:
Yelo?Icehelle?
I'm confused.
Can you please clear things up for me?
Damn it. I stared too hard at his message, maybe I'm losing it! Ang una ko kasing nabasa ay ligawan, hindi liwanagan.
Liander:
It's been days since your last chat... Are you busy?Okay lang kung busy ka, naiintindihan ko.
I'll wait for you... Just drop a message here once you're not too busy anymore.
Nang mabasa ko yung mga message niya, lalo lang akong napaiyak. It hurts so much. Patuloy pa rin siya sa pag-update sa akin tungkol sa kanyang araw. Samantalang ako? Iniiwasan ko siya. Buti na lang at nagtatanong pa rin siya kung susunduin niya ako.
Noong unang araw pa lang, sinabi ko na sa kanya na huwag na niya akong sunduin. Wala man lang akong binigay na paliwanag. I ended our connection with no warning, no explanation. He was confused, kept asking questions over and over, but I didn't read his messages anymore.
I know it was wrong. But fuck. Fuck this.
Mabasa ko lang ang pangalan niya, bumabalik agad sa alaala ko yung paraan ng pagtanggap niya ng ulam na inabot ni Venus. Even if I badly wanted to talk to him and tell him how I feel, I felt betrayed. Maybe I would've changed my mind if he told me he talked to Venus.
But no. He kept it hidden. Unbelievable.
I always cried because of my family. They were always the reason. But now? The tables have turned. I'm crying because of a guy. A guy I promised I would never cry over. But look at me now.
"Icehelle."
I quickly wiped my tears when I heard Ruby's voice. I looked up at her.
It's our break time. I've been sitting here behind the convenience store for a while now, silently crying over and over again. When she saw me, I knew right away that she could read me.
"Ayos ka lang ba?" she asked, a mix of concern in her voice and soft eyes.
Lumuhod siya sa tabi ko para masilip nang maayos ang mukha ko. Hindi ko na napigilan. Kusang bumagsak ang luha ko sa harap niya.
Sinubukan ko. Talagang sinubukan kong pigilan ang pag-iyak. Sa umaga, kaya ko pa. Kaya ko pang itago ang bigat. Pero sa tuwing ako na lang mag-isa, ang ingay ng isip ko ang lumalamon sa akin. Katulad ngayon.
Just when I was about to speak, my eyes widened when she suddenly pulled me into a hug. I immediately smelled her familiar strawberry scent. It gave me a little bit of comfort.
"Nandito lang ako..." Sa sinabi niyang iyon, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
Nanginig ang labi ko, at itinago ko ang aking mukha sa kanyang balikat, pilit pinipigilan ang malalakas kong hikbi habang hinihigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Hindi huminto ang aking pagluha. Sa katunayan, mas dumami pa ang luhang umaagos mula sa aking mga mata.

YOU ARE READING
Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) | (On - going)
RomancePart Time Series #1 (Completed/Major revision) What is a dream? It's a question that many ponder. Is it your future job? Your planned career? A goal you've longed for? Or the life you hope to have one day? For Icehelle Kendra Casimiro, her only dre...