Kabanata 35
"C-coffee stains?" bulong ko habang tinitigan ang polo niya. "Baka natapunan lang..."
Umiling ako. Siguro nga, dala ng pagmamadali niya. Sa unang araw pa lang niya, mukha na siyang pagod. Malamang marami agad siyang ginawa. Kaya hindi ko na tinanong pa.
Ang sinabi ko na lang sa isip ko, sana mag-ingat siya lalo't puti ang polo niya.
Lumipas ang mga linggo, unti-unti ko nang nasanay ang sarili ko sa trabaho. Sa umpisa, nahirapan akong mag-adjust, nanginginig pa ang mga kamay ko. Pero habang tumatagal, nakukuha ko na ang tiyempo, at mas nagiging confident ako.
"Icehelle, pahingi ng smear slide mo," tawag ni Enah mula sa aking tabi, may inoobserbahan sa microscope.
Agad ko siyang iniabotan at ngumiti siya. "Nice! Manipis at pantay. Malinis ang spread, Icehelle."
Napangiti ako. "Thank you," mahina kong sagot.
"Ang bilis mo na ngayon ah!" singit ni Axel mula sa analyzer. "Nung first week, nanginginig pa kamay mo."
I chuckled. Totoo naman. Noon, halos hindi ko makontrol ang kaba ko. Pero ngayon, kahit may konti pa ring pressure, alam kong kaya ko.
"Mamaya, lunch tayo, Icehelle, ha?" sabi ni Enah.
Tumango ako. "I'll just chat Liander later, baka gusto niya sumabay."
Noong una medyo intimidated ako kina Enah at Axel. Well, who wouldn't? Professionals na sila, nasa early thirties, habang ako'y nagsisimula pa lang at the age of 23. Pero habang tumatagal, narealize kong mali pala ang unang impression ko. Madali silang pakisamahan, and they even give me tips and advice.
And because of them, I couldn't help but to miss my three friends. I kow Jiro is growing on his career, Ruby finding out all her ways, and Kean living the life he deserves.
We are still friends, we are still family, and growth sometimes begins with space.
Habang abala ako, napansin kong nakatingin si Doc Carson. Kakagaling lang niya sa ward, kausap si Ma'am Erika, pero ang atensyon niya... nasa akin.
Naging conscious ako bigla. Naka-scrubs, lab coat, gloves, goggles ako—kumpleto naman sa safety protocols. Baka sa buhok ko? Medyo magulo kasi ang bun ko. O baka sa ID ko? Pero sa pagkaalam ko tama naman ang pagkakalagay.
Lumapit siya at tumigil sa likod ko, pinanood ang ginagawa kong blood typing.
"Your accuracy has improved. Great job, Icehelle," mahinahon niyang sabi.
Napatingin ako, medyo nagulat. Compliment ba iyon, o simpleng obserbasyon lang? "Thank you po, Doc," sagot ko.
Ramdam ko ang palihim na tingin nina Enah at Axel. Malapit lang sila sa akin kaya rinig nila ang usapan namin.
"Saan ka mag-lunch mamaya, Icehelle?" tanong bigla ni Doc Carson.
Napakurap ako. Hindi ko alam kung paano sasagot. I just pursed my lips, feeling uneasy as I try to avoid his gaze.
"A-ah, Doc! Kasama po namin siya!" biglang singit ni Enah, sabay tango ni Axel. "Tsaka kasama mo mamaya boyfriend mo, 'di ba?" dagdag pa niya.
Nanlaki ang mata ko. Hindi ko magawang tumingin kay Doc Carson, pero ramdam ko ang bigat ng hangin.
"Oo... baka pumunta siya mamaya," mahina kong tugon.
Nagtagpo ang tingin namin ni Doc Carson. Kita ko ang bahagyang dismaya sa mukha niya, kahit pilit niyang tinatago.
"May boyfriend ka?" He asked in a calm voice.
"Meron po," diretso kong sagot nang muli siyang nagtanong.

YOU ARE READING
Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) | (On - going)
RomancePart Time Series #1 (Completed/Major revision) What is a dream? It's a question that many ponder. Is it your future job? Your planned career? A goal you've longed for? Or the life you hope to have one day? For Icehelle Kendra Casimiro, her only dre...