Kabanata 17

1.5K 52 20
                                        

Kabanata 17

Finals are over. The semester is over.

Pero kahit tapos na, akala ko makakahinga na ako nang maluwag. Akala ko na kapag nakuha ko na ang lahat ng pinaghirapan ko, magiging sapat na. Akala ko... magiging sapat na ako.

"Ano ang average mo?" tanong ni Dad.

Tinitigan ko lang siya, nag-aalangan kung ibibigay ko ba sa kanya ang report card ko. Kanina, nag-text siya—pinapapunta ako sa Celeste Levant, ang aming kumpanya. Isa ito sa pinakamalalaking hotel brands sa Pilipinas, at siya ang CEO.

"1.19, Dad," I answered honestly. Mataas naman, diba? I was top of the class.

Napataas siya ng kilay. "Seriously?"

Hindi na ako nagulat nang ibinalibag niya pabalik sa akin ang card ko. Napabuntong-hininga ako, yumuko, at pinulot ito. Nang muling nagtagpo ang aming paningin, nakita kong nakakunot na ang kanyang noo—mainit na ang ulo niya sa akin.

"Blaire got a 1.12, Icehelle," he said, rubbing his temple in frustration. "What's happening to you? Why are your grades so low? Mas magaling pa si Blaire kaysa sayo!"

Alam ko, pero hindi mo na kailangang ipamukha iyon sa akin, Dad.

Tinitigan ko siya, hinayaan niyang makita ang pagod sa mga mata ko. Araw-araw akong nag-aaral. Wala akong oras para sa sarili ko dahil doble kayod ako—para sa kapatid ko. At kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat.

Napaisip ako. Araw-araw milyon ang kinikita ni Dad. Isang libo? Barya lang sa kanya. Pero pagdating sa amin—mga anak niya, mga responsibilidad niya—hindi siya nagsasawang pahirapan kami. Pinagtitipid niya kami sa sariling pera niya, pinagkakaitan, at pinaparamdam na isang malaking kahihiyan kami sa buhay niya.

"Mahiya ka naman, Icehelle. Bitbit mo ang apelyido ko," tumayo siya, ang mga mata niya nanlilisik. "Tuwing nakikita ko ang asul mong mata—na namana mo sa akin—nandidiri ako. Nandidiri akong ikaw ang anak ko kay Izah."

I felt suffocated under the weight of his words. My chest tightened. One more push, and I might say something I'd regret. Lahat ng salita niya, binabato niya sa akin na parang wala lang. Masakit. Pero pakiramdam ko, mas masanay na lang ako.

"Sana si Blaire na lang ang anak ko," bulong niya, puno ng pandidiri. "Kaysa sa inyo—mga pabigat na palamunin lang sa bahay!"

Putangina.

"Insult me all you want, Dad, but don't you dare stoop so low as to bring my siblings into this," I said, voice firm, my anger finally breaking through. "We never asked for you to be our father."

Hindi ko na nagawang umiwas nang bigla niyang kunin ang tasa ng kape at ibuhos sa akin. Ramdam ko ang hapdi ng mainit na likido sa balat ko, kasabay ng pagkalat ng mapait na amoy ng kape sa hangin.

"Lumayas ka sa harapan ko bago may magawa pa sayo!" sigaw niya, itinataas ang kamao.

Pero natigilan siya nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Masama niya akong tiningnan bago sinagot ang tawag. At sa isang iglap, nawala ang galit sa mukha niya. Ang boses niya, lumambot. Ang tingin niya, bumait. Na parang wala siyang balak na saktan ako ng pisikal.

Katulad ng dati. Katulad ng dati sa amin.

Hindi ko na maalala nang malinaw, pero naaalala ko pa noong mga panahong sinasamahan ako ni Dad sa playground. Kapag walang gustong makipaglaro sa akin, siya ang palaging kasama ko, habang si Mom ay karga-karga si Sian at pinapanood kami.

I remember Dad lifting me up as I pretended to be a superhero—and he was my super Dad.

Naalala ko rin kung paano niya kami kinukwentuhan gabi-gabi para makatulog kami ni Sian. He always showed us how much he loved Mom. He was so gentle, always kissing our cheeks goodnight. I always saw him kiss Mom on her forehead and tell her how much he loved her.

Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) |   (On - going)Where stories live. Discover now