Kabanata 19
I couldn't bear the unwavering silence inside Azure's car.
I am now slapping my inner self for not knowing how to react right now!
Habang nakaupo ako sa passenger seat, nakikita ko si Azure na nagmamaneho sa tabi ko, habang si Liander at Venus ay nasa backseat. Kapag napapatingin ako sa rearview mirror, makikita ko si Liander na nakatutok lang sa bintana, samantalang si Venus naman ay halos nakadikit na sa lalaking katabi niya. Gosh! Hindi ba sila makapaghintay?
But no matter how quiet the environment was, it only made the noise of my emotions louder. Anong ibig sabihin ni Liander? Sinabi ko na tapos na ako; sabi ko ay ititigil ko na itong kabaliwan ko. Ano na naman ito?! Mag-hihintay na naman ba ako? Why is he giving me such mixed signals?!
Mukhang napansin naman ni Azure na tense ako, dahil nang magkatinginan kami, kitang-kita ko ang alala sa mata niya.
"Gusto mo ba ng music?" tanong ni Azure, at dahil gusto ko nang magbawas ng tensyon sa loob ng kotse, tumango ako bilang sagot.
But I knew the tension only grew heavier when I heard Venus talking to Liander. I could see how she kept getting closer to him, to the point where even Liander seemed uncomfortable in his seat.
Gusto kong umiwas ng tingin, dahil parang masakit sa mata ko kapag pinapanood ko silang magkahawak ng kamay, pero sa hindi ko masabing dahilan, parang nakakapit ang mata ko sa rearview mirror.
"Sino yan?" tanong ni Venus nang makita ang cellphone ni Liander na hawak niya.
Mukhang nakuha naman ni Venus ang atensyon ni Liander nang mag-angat ito ng tingin sa babae bago tumingin muli sa cellphone niya.
"Oh..." Tumitig si Liander sa cellphone niya ng sandali. "Si Yelo."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, at parang naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko nang mapatingin si Liander sa rearview mirror, kaya't magkasabay kaming nagkatama ng mata. Agad kong iniiwas ang tingin ko, sabay pursing ng mga labi ko para pigilan ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Yelo... Yelotu," dagdag pa ni Liander, ngunit may kalabuan sa kanyang tono. "Si Yelotu, ang pusa ko."
"Yelotu?" I heard Venus say. "No offense, but the name... it's not... you know. It's ugly."
Hindi ko napigilan na mag-salubong ang aking kilay dahil sa sinabi ng planeta. Anong pangit?! Kaya nga Yelotu ang pangalan dahil siya ang pangalawang Yelo! My gosh!
"It's not," I heard his voice, defending Yelotu's name. "I think it's cute..."
"Cute?" Venus scoffed. "Let's change its name! It's ugly talaga. I know some perfect ones! How about Charlotte? Emily? Britney?"
Tumingin ako sa bintana, sinusubukang ilihis ang aking atensyon sa kalsada, pero alam kong nag-aabang ang aking mga tenga sa isasagot ni Liander.
"No, thanks. I'm happy with Yelotu's name," he answered. "At saka, mahalaga sa akin ang pangalan ni Yelotu. Sobrang mahalaga..."
Pambihira. Pambihira talaga.
I hate this.
The heart I had calmed down earlier was now pounding even faster, and I could already feel butterflies fluttering inside my stomach, making me feel insane.
I hate that you're giving me mixed signals, Liander. Please, I need answers.
"Icehelle?" narinig kong tawag ni Azure sa akin, dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Bakit, Azure?" tanong ko.
"Gusto mo na ba mag-lunch?" malambing na tanong ni Azure, and I felt the weight of the atmosphere as I met Liander's gaze through the rearview mirror.

YOU ARE READING
Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) | (On - going)
RomancePart Time Series #1 (Completed/Major revision) What is a dream? It's a question that many ponder. Is it your future job? Your planned career? A goal you've longed for? Or the life you hope to have one day? For Icehelle Kendra Casimiro, her only dre...