Kabanata 25

1.1K 44 20
                                        

Kabanata 25

Nang bumitaw ako mula sa biglaang halik, hindi ko mapigilang matigilan nang makita ko ang mukha ni Liander.

Nanigas siya sa kinauupuan niya na parang estatwa, at unti-unting namula ang kanyang mga pisngi.

"I-Icehelle..." It was like his brain had completely lost signal. Wow. That was the first time I'd ever seen Liander so stunned. "U-uhh... shit."

Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang throw pillow sa tabi niya at itinakip sa kanyang mukha, kasabay ng mahihinang padyak ng kanyang mga paa sa sahig.

I couldn't help but smile a little at his childish reaction. He looked so cute.

But then my smile quickly faded as the realization hit me.

I kissed him.

Fuck! I literally just kissed him! Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko na halikan siya!

Ngayon, pareho kaming naiipit sa alanganin. Niyakap ko rin ang throw pillow sa tabi ko, umiwas ng tingin habang nagbabaga ang pisngi ko sa sobrang hiya.

First time kong humalik sa lalaki! At ako pa talaga ang naunang humalik?! Saan ko nakuha ang ganung kakapalan ng mukha?

"Icehelle," malambot niyang tawag sa akin. Pagtingin ko sa kanya, mas lalo akong namula.

Yakap pa rin niya ang throw pillow, pero bahagyang nakasilip ang mukha niya. Nakangiti siya sa akin nang malambing at mahinhin.

"Ikaw tsansing ka, ha," nahihiya niyang sabi. "Isa pa nga."

Napairap ako sa kanya ng pabiro, at napanguso siya ng kaunti dahil doon.

"Does that mean... you like me too?" he asked slowly, clearly nervous about my answer.

"I like you, Liander," I replied in a calm, reassuring tone. "I've liked you for a long time. I just didn't know how to show it."

Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya sa sinabi ko bago muling ibinaon ang mukha sa throw pillow, nagpadyak na naman ng paa na para bang hindi na niya alam kung saan niya ilalagay ang sarili niya.

"Kailangan ko nang bumalik sa ospital, Li," sabi ko habang napapatayo, hindi na alam kung saan itatago ang hiya.

May maitatago pa ba? Eh nilabas ko na lahat nang kakapalan ng mukha ko!

I didn't expect Liander to react like that. He was practically bursting with excitement, like he was ready to blow up the entire café.

"Can I court you?"

Agad akong natigilan sa sinabi niya, kasabay ng ilang beses kong pagkurap. Yung mga salitang 'yon, para akong lumulutang sa ulap. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa isang bagay dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

"R-really?" Kumurap ulit ako, hindi alam kung ano ang dapat sabihin.

"It's just... I'm not really good at this. Kaya natagalan akong magtanong sa'yo kung pwede ba kitang ligawan, kasi naghanap pa ako sa Google ng mga tips kung paano manligaw ng babae," paliwanag niya. "Tapos step one, dapat marunong kumanta... Una palang, yung paldo ko, naging petsa de peligro pa."

I couldn't help but shake my head and stand up. "Like I told you before, it doesn't matter if you can sing or not. What matters more is your presence."

Papunta na sana ako sa mesa para kunin ang cellphone ko nang bigla niyang hinila ang pulsuhan ko. Sa gulat ko, napabalik ako sa sofa, pero hindi ako sa sofa bumagsak...

Kundi sa kandungan ni Liander.

Nanigas ang katawan ko.

I could feel his warmth underneath me, and my heart began to race even faster.

Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) |   (On - going)Where stories live. Discover now