Kabanata 22
It was unbearable seeing her every day... Like I was cursed to witness her existence for the rest of my life.
Napabuntong-hininga na lang ako nang makita ko ang gulo sa kwarto ni Venus. Hindi ko pa rin maisip kung paano nangyari na kahit hindi ko naman kwarto, ako pa rin ang naglilinis—sa sariling kwarto niya na dati namang kay Cyan.
Pagtingin ko sa orasan, mag-a-alas kwatro na ng hapon, at may pasok pa ako mamayang 4 p.m. sa 7-Eleven. Kaya minadali ko na ang paglilinis sa kwarto ni Venus. Ni hindi ko alam kung bakit napunta sa akin ang trabahong 'to. All I knew was that Venus had her ways of convincing Dad to do whatever she wanted, like he was under some kind of spell.
"Yes, girl! That's so true!" narinig ko pa siyang tili habang dumadapa sa kama niya, dahilan para mapairap ako at balewalain siya.
I hated everything about her. But what I hated most was how she twisted Dad's world around her and her mom. Watching him shower them with gifts and affection made me feel like my own family never stood a chance.
Nang matapos ako sa paglilinis, hindi ko na pinansin pa ang planeta. Pareho naman kaming alam na nagtitiis lang kami sa presensya ng isa't isa. I quickly changed into my uniform, threw on a jacket to hide it, and tied my hair into a messy bun that actually suited me.
Nagpaalam muna ako kina Sian at Cyan, gaya ng nakasanayan. Binalaan ko rin sila na magpakabait, lalo na't kasinugali ng planeta ang mama nito. Hindi man niya direktang ipakita, pero ramdam ko ang lihim na galit ng babaeng 'yon sa akin.
The way they left us on Christmas Eve and didn't come back until after New Year's—then had the nerve to say they "forgot" about us and that we didn't fit into their Europe trip budget. Wala akong pakialam. Wala akong pakialam pa. They could leave us out of their fake, perfect family bucket list forever.
Buong shift ko sa 7-Eleven, pakiramdam ko ay lutang lang ako. Kahit semester break, parang mas napapagod pa ako kapag nasa bahay ako. The word home didn't feel right anymore. Ngayon, para na lang itong kulungan ng walang katapusang pagod at pagluluksa.
"Icehelle, are you okay?" Jiro tilted his head, asking.
Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ko mula sa kanya. Napatingin ako, at napansin kong nakatingin na pala sa akin ang tatlo. Katulad ng dati, may dala na namang pagkain si Jiro para sa amin ni Ruby, at kasama niya si Kean na tumulong sa pagdala. Sobrang lalim siguro ng iniisip ko't ni hindi ko na namalayan ang presensya nila.
"Kanina pa siya ganyan, gago," narinig kong bulong ni Ruby habang nakataas ang isang paa sa upuan niya, abalang kumakain. "Kanina nga, napagbaliktad niya ang storage. Nagulat ako dahil may condom sa food section."
Napalingon ako sa kanya, at masama ko siyang tiningnan. Natawa naman agad sila ni Jiro.
Tarantado. Siya nga ang nag-aayos nun!
Narinig kong napabuntong-hininga si Kean. "Icehelle, I know what's going on..."
The two went quiet at Kean's unexpected words. He'd been silent the whole time since he arrived at 7-Eleven with Jiro, and now I couldn't help but look away.
"Paano mo nalaman?" tanong ko. Hindi na rin ako nagulat. Magpinsan kami. Siguradong ipinagyabang na naman ni Dad ang bago niyang 'perpektong pamilya' sa mga Casimiro. And Kean, being a Casimiro too, must've known long ago.
"Ano?! Eh wala ka namang kinuwento sa amin ah," singit ni Jiro.
"Oo nga! Kailan ka pa naging mapaglihim, ha?" dagdag ni Ruby.
With an exasperated sigh, Kean rolled his eyes at them. "And when have I ever told you anything? From what I remember, you two are always the ones oversharing. Besides, it's not my story to tell... I'm respecting Icehelle's privacy."

YOU ARE READING
Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) | (On - going)
RomancePart Time Series #1 (Completed/Major revision) What is a dream? It's a question that many ponder. Is it your future job? Your planned career? A goal you've longed for? Or the life you hope to have one day? For Icehelle Kendra Casimiro, her only dre...