Kabanata 16

1.5K 50 22
                                        

Kabanata 16

"Puwede po bang tumingin kayo sa kabila?" tanong ng photographer sa akin.

Sinunod ko ang kanyang utos, hawak ang isang mug ng kape na bahagyang nakaangat. Pagkatapos, tumingin ako nang bahagya sa kanan. Medyo ipinatong ko ang likod ko sa sofa habang ang aking mga siko ay nakasandal sa lamesa. When he saw my pose, he gave me a thumbs-up and immediately took a few shots.

After he took multiple pictures, I adjusted my black and white striped jacket draped over my shoulders. The long sleeves were tied together, making it look like a cape—more aesthetic rather than plain.

Lumipat kami sa ibang pwesto, sa isang bakanteng mesa sa tabi ng bintana. Tinuruan ako ng photographer kung paano mag-pose.

"Ganito ba?" tanong ko.

Tumango siya at binigyan ako ng thumbs-up, kaya inayos ko ang aking postura. Umupo akong bahagyang nakatagilid sa mesa, nakatingin sa bintana habang hawak ang isang tasa ng kape. Sa mesa, may ilang pastries rin.

Nang lumingon ako sa direksyon ng photographer, napansin kong pinapanood ako ni Miss Andria. Nang magtama ang aming mga mata, binigyan niya ako ng malaking ngiti at thumbs-up. Mukha siyang masaya at excited sa kinalabasan ng aking mga larawan. Kitang-kita ang kanyang pagmamalaki.

Meanwhile, Liander was focused on the camera the photographer was holding. He wasn't looking at me directly, but I knew he was watching me—just through the lens.

After the shoot, I approached them and asked if my poses looked okay. I was never really good at these things, and I couldn't even picture myself as a model.

"You did great, po," the photographer said with a smile.

It was only then that I noticed his slightly messy hair covering his forehead. His tan skin complemented his simple features, and he wore glasses. He was dressed in a plain white shirt, blue jeans, and white shoes.

"Salamat, uhh..." Napahinto ako, ngayon ko lang napagtanto na hindi ko alam ang pangalan niya.

"Just call me Blue," sagot niya.

At first, I was confused, but after a few seconds, it clicked—his name was literally Blue. Asul talaga.

Tumango ako. "Salamat, Blue."

Saan kaya siya pinaglihi ng magulang niya kaya asul ang pangalan niya?

Napatingin ako kay Liander at napansin kong nakatitig siya sa amin, pero agad rin siyang umiwas, kunwaring abala sa pakikipag-usap kay Miss Andria—parang pilit na hindi ako napansin.

Nang matapos si Azure sa kanyang shots, kinuhanan naman kami ni Blue ng mga litrato na para kaming magkasintahan. I heard a few squeals from the women around us. I wasn't sure if they were excited, envious, or annoyed.

Hindi ko rin naman sila masisisi. Zerobase was a rising group, gaining more and more fans. Even as a local band, they were already being idolized. Ngayon pa lang na isang local band sila, marami nang humahanga sa kanila. Paano pa kaya kung sumabak sila sa entertainment industry? Malamang, mas lalo pa silang sisikat.

Habang kinukuhanan kami ng litrato, muli kong nakita si Liander. Ngayon, parang may tumama sa kanya ng suntok sa sikmura. Nakakunot ang kanyang noo, at halatang pinipilit niyang itago ang pagsimangot. When our eyes met, he immediately looked away, crossing his arms over his chest. He looked like a sulking child.

"Icehelle?" tawag ni Blue. "Okay lang ba kung akbayan ka ni Azure?"

Nanlaki ang mata ko sa gulat at napatingin kay Azure, na halatang nagulat din dahil napaawang ang kanyang labi. I noticed how Liander's jaw clenched in irritation at Blue's order, and I even heard him mumble something under his breath before turning away and walking off.

Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) |   (On - going)Where stories live. Discover now