Kabanata 04
Matagal kong tinititigan ang lalaki na bumibili ng sorbetes ngayon. Parang bumagal ang oras, bawat kilos niya'y aking sinundan ng mata.
Napa-kurap ako ng dalawang beses. This is not what I'm expecting! Ang ineexpect ko ay makauwi ako at magmumukmok ako sa kwarto! How did I even end up being with him? Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya habang bumibili ng sorbetes, halatang wala siyang problema. Samantalang ako, gulong gulo sa mga nangyayari.
"Anong flavor ang gusto mo, hijo?" Tanong ng manong sorbetero sa kanya.
"Ano po ba ang meron?" Tanong ng lalaki sa kanya.
"May pandan, ube, at may blue vanilla tayo." Saad nito.
"May blue vanilla pala?" Napabalik ang tingin ni Liander sa akin, mukhang nae-excite sa dirty ice cream. "Anong gusto mo, Icehelle?"
Nang magsalubong ang mata namin ay agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng matinding hiya pag kasama ko siya! Hindi naman kasi kami close, kung hindi siya pumunta ng mall na may suot na heels mula noon palang, ay hindi talaga kami magkakilala nito!
Pambihira, buong akala ko nga noon ay iyon na ang una't huling beses ko siya makikita, pero nagkamali pala ako! Ang daming sumunod na araw na halos nakikita ko ang anino niya! Palibhasa ay dito rin naman siya nakatira, at nag-aaral siya sa CSU.
"Kuya, isang pandan po at blue vanilla, naka cone po. Yung tagi-trenta mo po." Saad ni Liander sa kanya, at tumango lamang ito bilang sagot.
Nang makuha na niya ang dalawang ice cream ay nagbayad ito sa lalaki. "Masarap!" Saad ni Liander nang tikman niya ang ice cream pandan na kanyang hawak, "Bakit pa kasi ako nag CSU kung mas masarap ang miryendahan dito sa USL." Tumawa siya sa kanyang sariling biro.
I mentally rolled my eyes. Wala akong gana makipag-alaska dito sa taong kaharap ko dahil hindi ko maipag tagpi-tagpi ang nangyayari sa akin ngayon. I just got fucking suspended! My own teacher and Dean disrespected me, and my friends... Should I even call them my friends?
"Huy," bumalik ako sa reyalidad nang hinaplos niya ang aking buhok na magulo, dahilan para bumalik ako sa reyalidad, "Okay ka lang?"
I blinked twice when our eyes met, and I couldn't help but to avoid his soft gaze, "You don't have to do this."
"Tikman mo nga ito," inabot ni Liander sa akin ang blue vanilla ice cream na binili niya, "Testing mo nga kung lasang vanilla ba talaga."
I couldn't help but to raise any eyebrow, "Then taste it." I said coldly.
"Ayoko, baka may lason," tumawa ito.
"Ayoko rin, kung ganun." Sabi ko tsaka pinagkrus ang aking braso.
"Biro lang!" Nagulat ako nang marahan niyang kinuha ang aking kamay tsaka iniabot ang ice cream sa akin, "Para sa'yo talaga 'yan."
I blinked twice while staring at the ice cream he gave me. "Para saan?"
"Hmm?" He looked to the right, to see the hues of the sunset in the sky, and I couldn't help but gaze at the orange sky as well, with its shades of blue, violet, red, and pink as the sun went down. The colors blended together in a mesmerizing hue, painting the sky with a breathtaking scene. It is a constant reminder of the peace I couldn't find within myself. "Another day will end, yet another day will arise."
Tinignan ko ulit ang ice cream na hawak ko, tinikman ko na ito dahil tumutulo na ang ice cream sa aking kamay.
Tama nga siya, lasang vanilla.

YOU ARE READING
Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) | (On - going)
RomancePart Time Series #1 (Completed/Major revision) What is a dream? It's a question that many ponder. Is it your future job? Your planned career? A goal you've longed for? Or the life you hope to have one day? For Icehelle Kendra Casimiro, her only dre...