Kabanata 06

1.9K 108 25
                                        

Kabanata 06

Ilang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon, at sa mga araw na iyon ay todo iwas ako kay Liander. Hindi ko magawang lapitan siya dahil sa ginawa ko—nahihiya ako para sa sarili ko.

Sinubukan naman akong lapitan ni Liander, pero naging awkward ang lahat sa pagitan namin. Kahit sa trabaho, bihira na lang kaming mag-usap.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko noong araw na iyon. Basta na-overwhelm lang talaga ako. Hindi ko alam kung bakit napaka-sensitive ko sa ganung usapan. I'm used to hearing opinions from other people, but when it comes to Liander, it feels like I don't want to hear anything from him at all.

Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga. Paano kung iba siya sa mga taong nakilala ko? Paano kung siya ang taong hindi ako huhusgahan?

It's rare to find someone who can truly understand me completely, without a hint of judgment or doubt. But Liander... there's something different about him.

Despite everything that has happened, I can't shake the feeling that he's someone who could truly accept me, no matter how tangled my thoughts and emotions might be.

But I still have doubts...

"Huy!" Napabalikwas ako nang bigla niyang pinatunog niya ang kanyang mga daliri sa harapan ko.

"H-huh?" Tinignan ko si Ruby.

"Okay ka lang, boss?" Tanong niya habang nakakunot ang noo at halatang nag-aalala.

"Oo, okay lang ako." Sagot ko sa katanungan niya.

"Scam, lahat ng water bottle ay sa hilera ng mga pagkain mo nilagay," natatawa niyang sabi sabay turo sa ginawa ko. Napalingon ako at napansin na tama nga siya! Lahat ng water bottles ay nailagay ko sa mga Pancit Canton.

Hindi ko mapigilang mapangiwi habang inilipat ko ang lahat ng tubig sa refrigerator. Nandito ako ngayon sa 7-Eleven, dahil shift ko ngayon, at kasama ko si Ruby sa trabaho. Madalas kaming magkapareho ng oras ng shift, kaya sanay na rin akong makasama siya.

Partida, Nursing student pa itong si Ruby, pero nagagawa niyang pagsabayin ang kanyang part-time job at pag-aaral. Ang sipag niya nga, eh. Samantalang ako, ito... Hindi pa magawa ang trabaho nang maayos.

"Pupunta pala si Jiro ngayon, hindi ko lang alam kung may kasama siya," saad ni Ruby sa akin nang matapos kami mag-ayos, hindi ko mapigilang makaramdam ng gutom dahil pasado nuebe na.

"Break muna ako." Paalam ko sakanya.

"Sabay na 'ko sa'yo!" Agad niya namang sagot, siguro ay nakakaramdam na rin siya ng gutom, tulad ko.

While we were choosing what to eat, I couldn't help but glance at my wallet. The money I had left was just enough for my fare. I should have brought my pocket money.

Ruby chuckled as she looked at me, "Same."

Nang pinakita niya ang kanyang wallet, alam kong hindi kami makakakain ngayong gabi.

Magsasalita na sana ako, pero agad kaming napatingin sa entrance ng store nang may marinig kaming pamilyar na boses.

"Yelo! Belinda!" Tawag ni Jiro sa amin. Oo, si Jiro.

Jiro was wearing a black short-sleeved button-down shirt, light beige pants, and white shoes. His short, curly jet-black hair was still messy, but I couldn't deny that it suited him perfectly. He was also wearing a black facemask and black cap. Tinanggal niya naman ang kanyang facemask tsaka ngumiti sa amin.

I glanced at the person beside him and couldn't help but recognize his appearance. His dark, slightly messy hair was styled with a side part, with some strands falling over his forehead. He wore a gray denim jacket over a black hoodie, paired with black cargo pants and white sneakers. When he noticed us, he casually placed his black headphones around his neck.

Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) |   (On - going)Where stories live. Discover now