Kabanata 31
Nakahiga si Liander sa aming sofa habang tahimik akong nakaupo sa gilid nito, pinagmamasdan siyang dahan-dahang humihinga habang natutulog. Sobrang nag-aalala ako sa kanya kagabi. Sinabihan niya akong matulog na sa aking kwarto, at ayaw niyang pumasok doon. Mas pinili niyang magpahinga sa sofa.
Bagama't hindi mawala ang pag-aalala ko, sinunod ko pa rin siya. Kaya kinaumagahan, maaga akong nagising para ihanda ang agahan at tingnan kung ayos na ba siya.
Habang pinagmamasdan ko siyang natutulog, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kalalim matulog, na para bang wala itong pahinga. Mahaba ang kanyang pilikmata, at sa ilalim ng kanyang mga mata, kita pa rin ang bigat ng pagod.
"You've done a lot, Liander..." I murmured, gently brushing the strands of hair away from his forehead.
At first, his brows furrowed slightly at my touch, but soon, his expression softened. Last night, he looked completely drained, like he hadn't rested in weeks. But now, his face looked like someone who had finally found the peace they'd long been searching for.
"Yelo..." mahina niyang tawag habang unti-unting minulat ang kanyang mata.
"Gising ka na..." mahinahon kong sabi.
His tired eyes gazed at me, and when he saw my face, his lips slightly parted.
"A-akala ko... panaginip lang ang nangyari kagabi," mahinang sambit niya, para bang hindi pa rin makapaniwala.
"Anong nangyayari, Liander?" tanong ko, litong-lito. "Hindi ko na alam kung saan magsisimula. Bakit ka biglang nawala na parang bula? Bakit hindi ka na nag-u-update sa akin? Sobrang nag-aalala ako. Bakit—"
My once calm voice began to rise. I could no longer hold back the weight of all the days that passed, each one squeezing my heart with overwhelming pain. I worried myself sick thinking about him every morning and every night, not knowing if he was okay.
I looked down, blinking back the tears that had started to well up again, until they finally fell.
"I'm sorry..." bulong niya. Tumayo siya mula sa pagkakahiga, nilapitan ako, at marahang hinaplos ang aking pisngi habang pinupunasan ang luhang umaagos.
"K-kinuha nila ang cellphone ko..." panimula ni Liander.
"A-ano? S-sino?" tanong ko, halos pa-whisper.
"Sina Mama at Papa..." sagot niya, basag ang tinig. "Sinubukan kong humanap ng kahit anong paraan para makipag-ugnayan sa'yo, pero sobrang higpit ng bantay nila sa akin."
"H-hindi ko maintindihan, Liander..."
"Simula nang umuwi ako sa Isabela, ibinuhos nila sa akin lahat ng trabaho," paliwanag niya. "Hindi ako makapagreklamo dahil naiintindihan ko naman ang stress nila dahil kay Ate. Lagi siyang lumalabas kasama ang mga kaopisina, umiinom, at nagsusugal. Tapos isang araw, bigla na lang siyang nawala. Kaya ako ang napilitang pumalit sa trabaho niya, at ako na rin ang naging panganay sa bahay."
I remained quiet, listening intently as his voice trembled. He slowly lowered his hand and gently held mine, resting on my lap.
"Pero napansin ko na ang mga kilos nila. Tuwing kausap kita, bigla nila akong uutusan ng kung anu-ano. At tuwing nawawala ang phone ko, kung saan-saan ko na lang ito nahahanap. Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari. Sinubukan kong kausapin sina Mama at Papa, pero tinawag nila akong walang silbi, walang galang, bastos... Tapos dinagdagan pa nila lalo ang trabaho ko."
Habang nagsusumbong siya, para ko siyang batang umiiyak sa kanyang ina. Bawat salita ay puno ng bigat, sakit, at pagtitimpi.
"Tatlong araw nang nawawala ang phone ko. Hindi ko na rin ma-access ang account ko kahit sa computer. Nang halos desidido na akong gamitin ang naipon kong pera para bumili ng bago, narinig ko sila Mama at Papa..." Huminga siya ng malalim. "At doon ko nalaman... na ayaw talaga nila akong pauwiin dito. Sa'yo."

YOU ARE READING
Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) | (On - going)
RomancePart Time Series #1 (Completed/Major revision) What is a dream? It's a question that many ponder. Is it your future job? Your planned career? A goal you've longed for? Or the life you hope to have one day? For Icehelle Kendra Casimiro, her only dre...