Chapter 6

92 4 0
                                    

Chapter 6

The next day I woke up late again because Zachary Montañez and I talked until dawn. Mama waited for me again just to drive me to school. I was guilty because I know that she'll be late because of me.

Kasi noon kapag maaga akong nagigising ay nauuna na siya tapos ako commute na lang o kaya sumasabay rin ako pero hindi siya na le-late kasi maaga pa. I am too guilty because I am causing the late of a certain principal in a public elementary here in Del Rio.

"Muntik ka ng ma-late kanina ah? Kahapon ganoon rin hindi ba? First time," tukso ni Anne kaya bahagya akong napahikab bago umiling ng bahagya.

"Mabuti at hinintay ako ni Mama." 

"Kakaaral 'yan. Learn to chill sometimes."

Muntik na akong mapatawa dahil sa sinabi niya. If she only knew.

"May quiz daw," biglang bulong ni Mae ng makaupo ako sa assigned seat ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"First subject?" gulat na tanong ko kaya mabilis na siyang tumango.

Taranta ko naman na kinuha ang notebook at libro ko sa physics para mag-review ng madalian. I did not study last night. Hindi ko alam na may quiz. I am so disappointed of myself.

"Hindi ka ba nag-aral?"

"Shhh."

And she was right because when our adviser came she immediately write some problem to solve in the board. Nakahinga ako ng malalim nang makita na alam ko iyon lahat.

I must really study tonight.

Naitawid ko ang unang quiz kaya ng matapos ang first subject ay kaagad kong kinuha ang libro at notes ko sa susunod na subject para mag-review kung sakaling may quiz na naman.

I can't fail this. Not this time.

"Blaire, may extra ballpen ka?" Saglit kong nilingon si Jericho na siyang nagsalita. 

I saw him smiling widely at me. Umupo pa siya sa katabi kong upuan na walang nakaupo kaya bahagya akong tumuwid ng pagkakaupo para hindi gaanong malapit sa kanya.

"Wala," sagot ko sa tanong niya pero hindi pa rin siya umalis. Sumilip siya sa notes ko kaya bahagya ko iyong iniwas dahil nakakailang.

"Oh, review sa Biology? Walang quiz," he said so I just nodded.

"Okay lang. Baka kay Mae may extrang pen," sabi ko kaya mas lalo siyang ngumisi. Hindi ko maiwasang mapatitig sa dimple niya na hindi masyadong malalim na nasa kanang pisngi. 

I pouted a bit because I suddenly remembered someone. Mukhang napansin niya ang bahagyang pagtagal ng tingin ko sa kanya kaya mas lalo siyang nakaramdam ng tuwa.

Biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa kaya mabilis ko iyong kinuha kahit may classmate pa ako sa tabi ko na parang naghihintay na bigyan ng atensyon. When I opened my phone Zach's name immediately appeared.

Zachary Montañez:

Guess what?

I smiled.

Blaire Arzeña:

What?

Zachary Montañez:

I'm late.

Bahagya akong napatawa dahil sa nabasa. Biglang may sumilip sa screen ng phone ko kaya mabilis ko iyong tinago. Ang kaninang nakangiti na mukha ni Jericho ay biglang umasim. 

Palihim ako na umirap dahil sa bahagyang inis sa ginawa niya.

"Wala akong ballpen, bumalik ka na lang sa upuan mo," It's rude but I can't help it.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Where stories live. Discover now