Chapter 9

98 5 0
                                    

Chapter 9

Kinabukasan walang pasok kaya ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral. Sinabay-sabay ko ang paggawa ng maraming assignments saka projects para klaro na ang utak ko sa mga susunod pang araw.

"What are you doing?" Zach asked on the other line so I glanced at my screen where his face is. 

"Physics assignment," mahinang sagot ko saka muling binalik ang mga mata sa yellow pad.

It's already ten thirty in the morning. I am here busy doing my school stuff while he was just lying on his bed on the other line.

"One week walang pasok lahat ng schools—"

"Yeah, but I want to finish everything." 

He laughed but I did not let myself get distracted.

Narinig ko ang kakaibang tunog sa kabilang linya kaya binaba ko ang ballpen na hawak para pagtuonan siya ng pansin. I saw him standing up while messing his hair. Dahan-dahan akong napasandal sa upuan ng study table ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

Talking him on screen give me chills. Pero kapag kaharap na siya para akong duwag dahil sa sobrang kaba.

I saw him going out of a door, maybe his room. Mukha niya lang ang nakikita ko kaya hindi ko masyadong maaninag ang background. Pero alam kong para siyang bumababa sa hagdanan.

"The next time we'll see each other I'll make sure that we're alone," Naging mabilis ang tibok ng puso ko pero kahit ganoon nagawa ko pa ring tumawa ng mahina.

"Hindi ako papayagang lumabas," sabi ko.

"Ako ang magpapaalam para sayo?" I suddenly chuckled.

"And after that I'll fly to Manila and continue my studies there," I said, making him confused.

"What?" I shook my head and sighed.

"Wala, patayin ko na muna may gagawin pa ako."

Mabilis ko na pinatay ang tawag saka muling huminga ng malalim. This is wrong. I am disobeying my parents' rules. But I can't help it. I want this one.

Natapos ko ang mga gagawin ko sa loob ng dalawang oras kaya habang dala ang phone ay bumaba ako para makapag handa ng kakainin.

I need to prepare a food to eat because I am all alone here. Busy si Mama kaya naiwan ako. At ang kaisa-isang biling niya sa akin at huwag lumabas at gumala.

Habang naghahalungkat sa refrigerator biglang tumunog ang phone ko para sa isang tawag. Sinagot ko iyon ng hindi tinitingnan.

"Zach, I a—"

"What did you say, Blaire?" Natigilan ako sa narinig. 

Nang tingnan ko ang pangalan ng tumatawag ay bigla akong kinabahan nang makita na si Papa pala iyon. I gulped hard.

"Pa," I nervously said.

"What did you call me? Zach? Who's that?"

Tuluyan ko ng iniwan ang ginagawa para makapag-isip ng idadahilan kay Papa. So careless.

"Pa, wala—"

"Who, Blaire?" I could hear my father's cold voice.

Nanginig ang mga labi ko sa kaba at taranta. He's mad. I knew it.

"Papa, kaklase ko lang po na nagtatanong tungkol sa assignment."

I'm sorry again for lying.

"A guy?" he asked using his curious voice.

"Opo, pero classmate lang po—"

"Okay, don't be friends with guys, Blaire," napasinghap ako bago marahan na tumango kahit hindi niya nakikita.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Where stories live. Discover now