Chapter 20

94 2 0
                                    

Chapter 20

New year has come. Nandito pa rin kami sa Manila.

"Happy new year," malambing na bati ni Zach kaya napayakap ako sa unan ko.

"Happy new year," sabi ko.

It's our first month of being official also. Nahihiya nga lang ako na bumati.

"It's our first month," biglang sabi niya rin kaya nanlaki ang mga mata ko. 

Naaalala niya.

"Zach, I wish I'm with you this time," sabi ko.

"I missed you so much too."

I smiled but my eyes were sad, I know.

"Uuwi na ako bukas. See you."

Kinabukasan ay hinatid kami ng mga pinsan ko sa airport. Hindi ko maitago ang galak. Gustong-gusto ko na talagang umuwi ng Del Rio. I miss the freah air and I miss its people.

"Saya mo ha?" nakangising sabi ni Tofer kaya mabilis akong sumimangot pero tinawanan niya lang ako saka bahagyang kinurot sa baywang.

"Stop it," sabi ko.

"Bisita ako sa inyo sa susunod. Let me meet your boyfriend."

Parang ang saya sa pakiramdam na kahit isa lang sa pamilya ko ay alam ang tungkol kay Zach. Kahit palihim lang. Masaya ako na alam ni Tofer ang tungkol sa kanya. At kita ko sa mga mata niyang hindi siya tutol.

My wish my parents has a mindset like my cousin too.

"Manliliit ka promise," sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

May itsura rin naman si Tofer. Moreno siya at katamataman lang ang katawan sa height. Hindi ko alam kung taas pa ba 'to o hindi. He's just really short for a guy. Mas mataas pa ako ng one inch sa kanya. But he's handsome.

"Tingnan natin. One on one pa kami sa basketball eh," mayabang na sabi niya kaya hindi ko na napigilan pang mapatawa.

I've seen Tofer play and I've also seen Zach play. Magaling si Tofer pero inaamin ko na mas magaling si Zach.

Pumasok ako sa eroplano na may ngiti sa mga labi. 

"Bibisita daw si Tofer sa atin. Ano kayang pumasok sa ulo ng batang iyon ay nagka-interes?" natatawang sabi ni Mama kaya natawa na rin ako.

"Baka gusto lang makalanghap ng preskong hangin," sabi ko kahit alam ko naman talaga kung anong pakay ni Tofer sa Del Rio.

He's really serious on meeting Zach? Sinabi niya pa kay Mama na bibisita siya ah?

Nang makalapag kami sa Del Rio ay mas lalong nagwala ang puso ko. Hila-hila ang maletl ay kaagad ako na lumabas ng airport.

Hindi ako mapakali. I wanna meet Zach! I missed him so much.

Pagkarating namin sa bahay ay hindi ko pinahalata kay Mama ang sobrang pagkatuwa ko. Nagawa ko pang maglipat ng mga damit sa cabinet para hindi halatang may kinasasabikan ako ngayon.

Zach:

Baby, let's meet?

I bit my lower lip. I would lie for this one.

Dahan-dahan ako na bumaba sa first floor na kabado. I'm sorry, Ma. 

"Ma," mahinang tawag ko kay Mama na nakaupo sa couch kaya kaagad niya akong binalingan.

Palihim akonna huminga ng malalim bago naglakas loob na magsalita.

"Ma, pwede akong lumabas? I will meet my friends," sabi ko pero nanliit ang mga mata niya kaya nanlamig ako.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Where stories live. Discover now