Chapter 23

82 4 0
                                    

Chapter 23

Days has passed so fast. My last Prom is nearly coming.

"Cotillion dancers, you are excused for practice," Dahan-dahan ako na tumayo dahil sa sinabi ng guro pati na rin ang ibang kasali sa cotillion.

"Blaire, can we talk?"

Bahagya kong nilingon si Jericho na nasa likuran lang namin. Napasulyap naman ako kay Anne at Mae na tahimik lang.

Jericho and I never talked after he and Zach faught. Ngayon lang rin siya naglakas ng loob na pansinin ako.

"Ano ba 'yon?" mahinang tanong ko saka napasulyap kina Anne para malaman nila na ayaw kong maiwan at mukhang alam naman nila iyon kaya hindi sila umalis.

"Sorry, nahiya ako sayo kaya ngayon lang ako nakahingi ng tawad," He look regretful.

Marahan ako na tumango saka ngumiti ng bahagya.

"Okay lang."

Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na patagalin ang usapaan kasi kaagad na akong naglakad kasama ng mga kaibigan.

"First time kong makasali sa cotillion. Hindi ako nakasali noong grade ten kasi pandak pa ako. May pag-asang manalo kahit star of the night lang!" masayang wika ni Anne habang naglalakad kami papalpit sa gym.

"Sana lang okay ang partner ko."

Napahinga ko ng malalim saka tiningnan ang mga grade ten na napili para sa cotillion. I hope my partner will be great too. Huling prom ko na 'to kaya sana maging maganda rin.

"Blaire, dito ka sa harap," utos ng instructor namin ng magsimula ang practice.

My partner is good, I think. Matangkad ng kaunti sa akin kaya kapag nag-heels ako ng four inch ay papantay ako sa kanya. Mukhang magaling rin siyang sumayaw at maayos ang porma ng katawan.

Well, he's a grade ten. Zach will be furious if I will be partnered with my classmate or worst with Jericho.

First practice pa lang namin ito pero nagpakita na ng galing ang lahat. Kalahating steps na kaagad ang natutunan namin.

"Excited na ako sa fifteen! Anong kulay ng damit niyo?"

I smiled at my partner before I walk towards my friends.

"Ang gwapo ng partner ko, sayang ang bata pa," bulong kaagad ni Mae kaya bahagya akong natawa bago nilabas ang phone ko.

I immediately saw Zach's message.

Zach:

Uuwi ka na? 

I smiled. He's extra clingy now.

Me:

Yeah, katatapos lang ng cotillion practice namin. Kayo? Kasali ka sa cotillion? Who's your partner?

Naiisip ko pa lang na may ibang kahawakan ng kamay si Zach ay parang pinipihit ang dibdib ko. Sana hindi maganda. I mean...god.

Zach:

I don't know. Wala pang sinasabi. Who's your partner?

I smiled once again.

Me:

Grade ten, not my type.

"Blaire, tara na," aya ni Mae kaya mabilis ako na sumabay sa kanila sa paglalakad habang ka-text si Zach.

Zach:

Kapag type mo?

I chuckled. He is entertaining me, a lot.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Where stories live. Discover now