Chapter 18

87 4 1
                                    

Chapter 18

"Sa bahay ka na raw matulog sabi ni Lola," Napatingin ako kay Zach na nakaupo sa kama ko.

"Okay lang ako dito. Umuwi ka na kaya?" Napahinga siya ng malalim saka umiling.

Napangiti naman ako saka napatingin sa relo. It's already nine in the evening. Kakauwi lang rin namin kasi doon na ako nag-dinner sa kanila. His grandmother is very fond of me. And I like her so much also.

Marahan akong humikab kaya tinapik niya ang espasyo sa tabi niya.

"I'll go home later."

Dahan-dahan naman akong umupo sa tabi niya saka unti-unting humiga. Siya ang naglagay ng kumot sa akin at marahan na pa akong hinalikan sa noo na nagpangiti sa akin.

"Uwi ka na," sabi ko pa pero nanatili lang siya nakaupo sa tabi ko.

Umiling siya saka bahagyang napatingin sa relo na suot niya. I could see that he's already sleepy. Namumungay na ang mga mata niya saka bahagyang namumula. 

Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog dahil paggising ko wala na si Zach. Nang mapatingin ako sa orasan nakita kong alas sais na ng umaga kaya kahit inaantok pa sana ay pinilit kong bumangon.

I then texted Zach.

Me:

Anong oras kang umuwi? Good morning.

Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya kaagad kaya nagtaka ako. He woke up early today? That's new.

Zach:

Wait for me. I'll take you to your school.

Mabilis akong naligo at nag-ayos dahil sa sinabi niya. And after that I cooked my breakfast and eat. Saktong alas siyete ay may bumusina sa labas kaya lumabas na rin ako kaagad dala ang bag ko.

I saw Zach on his motorcycle so I immediately went out. 

"Anong oras kang umuwi?" sabi ko habang papalapit.

"Near five?" hindi siguradong sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"What?" he smirked at my reaction.

Kakauwi niya lang noong paggising ko.

He suddenly put a gentle kiss on my cheeks while smirking so I rolled my eyes a bit. Pero hindi ko na rin naitago ang ngiti sa labi ko.

"Good morning, december is really cold," sabi niya kaya napatango lang ako bago sumakay sa likuran niya.

Naninibago akong motor na naman ang dala niya ngayon. I am used to see him drive his car for past few days.

"Hindi ka nakatulog?"

"I did, it's my first time of not being late," wala sa sarili na lang akong napatawa dahil sa sinabi niya.

Tahimik lang kami habang nagmamaneho siya. Wala pa masyadong sasakyan sa kalsada dahil medyo maaga pa. 

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa school kaya mabilis akong bumaba. Nakita ko ang mga kaklase ko na kakarating lang rin at kuryoso silang napatingin sa amin. I smiled at Zach without minding anyone.

"Let's eat lunch together?" walang pagdadalawang isip ako na tumango.

Nakita ko na pa-simple pa siyang napatingin sa mga labi ko kaya namumula akong napaiwas ng tingin.

"Uhmm, j-just text me," sabi ko saka mabilis na tumalikod.

I suddenly remembered the kiss we shared yesterday. That was my first kiss and it made me crazy. The taste of his lips. It was so sweet and soft like I am eating a marshmallow. Hindi maalis sa utak ko.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Where stories live. Discover now