Chapter 44

112 6 0
                                    

Chapter 44

I woke up feeling a heavy thing on my stomach. Dahan-dahan akong dumilat habang mahinang dumadaing.

"Hmm," My eyes widened when I heard that cold and sleepy voice.

Nagwala ang puso ko nang makita ang lalaking katabi ko ngayon. He is hugging me really tight that I can't even move. Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan ang mukhang niyang mahimbing na nakapikit. 

Hindi ito ang inaasahan ko. He left last night. Sigurado akong hindi siya dito natulog. I was alone when I fell asleep because of too much crying. But here he is right now. Hugging me like his life depends on me.

"Zach," mahinang tawag ko saka sinubukang umalis mula sa pagkakayakap niya sa akin pero mahina lang siyang umungol at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin.

I swallowed hard because I know that I like this. Pero nasasaktan rin ako sa hindi ko malamang dahilan. I felt so unwanted last night. Sobrang sakit para sa akin na iwan niya ako na parang wala lang matapos ang nangyari sa pagitan namin. I gave myself to him.

At ngayon nandito siya sa tabi ko. Mahigpit na nakayakap sa akin.

Hindi magawang kumalma ng puso ko habang tinitingnan si Zach na komportable ang yakap sa akin. I want to stay like this cor a lifetime. Waking up next to him is such a dream that I have always been hoping to come.

Namasa ang mga mata ko sa saya, lungkot, sakit at iba pang emosyon na halos hindi ko na matukoy.

This is Zach. Siya nga 'to. Hindi ako namamalikmata. He is indeed beside me right now.

Unti-unting bumukas ang mga mata niya kaya mahina akpng suminghap saka akmang lalayo pero hindi niya hinayaang magaw ko iyon.

"I sneaked in," he huskily said before planting a small kiss on my shoulder blades.

Kaagad akong nakaramdam ng init at kilita kaya bahagya kong nilayo ang sarili ko sa kanya.

How can he act like this? Bakit parang wala lang? Hindi niya ba alam na sinaktan niya ako?

"Zach," kontrolado sabi ko kaya muli niya akong tiningnan sa mga mata.

His forehead creased so I immediately avoided his gaze. 

"Paano ka nakapasok?"

Hindi ko naiwasan ang pagiging malamig ng boses ko. I want to slap my face for acting like this but I can't help it.

Unti-unting maging maluwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya nagawa kong makawala at makaupo ng medyo malayo sa kanya. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya pero umupo pa rin siya habang nasa akin lang ang titig. I never failed to noticed his topless body. Tanging boxers lang ang suot.

Napahigpit ang hawak ko sa comforter at pilit na iniiwasan na salubungin ang mga tingin niya.

"That's so unprofessional. I am still a guest and even though you're the owner you should still value my privacy."

Mabilis akong tumayo galing sa kama dahil alam kong ilang sandali na lang ang mababasag na ang boses ko.

Bakit parang pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako? Bakit ang sakit? Gusto kong magtanong ng marami pero natatakot ako na masaktan sa mga magiging sagot.

Why? Why are acting like this? Bakit nasasaktan ako?

"Blaire—"

Mabilis akong pumasok sa banyo para iwasan siya. When I entered the bathroom I immediately washed my face on the sink. Mabilis ang paghinga ko dahil para akong mauubusan ng hangin. My heart is beating too fast and I am sweating even though I just woke up.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Where stories live. Discover now