Chapter 17

82 3 0
                                    

Chapter 17

"Blaire? Sigurado kang ayos ka lang dito? Mag-lock ka ng pinto mamayang gabi at huwag na huwag mong bubuksan kapag may tumawag sa labas. Sumama ka na lang kaya sa akin? I'll just talk to you teachers? Hindi talaga ako kampante na maiiwan ka dito!" problemadong saad ni Mommy habang nag-aasikaso ng mga gamit niya.

"Ma, okay lang—"

"Okay? No! I don't trust anyone here! Our house is big! Kaya paano kapag may pumasok? Huwag na lang kaya akong sumama sa seminar? Ang layo ng Cebu! Oh My God! Bernard! What should I do to your daughter?"

Natawa ako ng mahina habang tinitingnan si Mama. She'll be having a three days seminar on Cebu so I'll be alone in our house. Ngayon pa lang parang pasan na niya ang mundo. 

"I am eighteen—"

"You are just eighteen!"

Natawa muli ako.

"Ma, I will lock the door. Susundin ko lahat ng inutos niyo. I will sleep early. Promise, I will be okay."

She sighed.

"Blaire, oh my God. I hate being a principal. I will bring you with me."

"Ma! What about my lessons? Second sem na. I can't absent."

"Blaire, delikado!"

"Ma, Del Rio is a safe place. Walang magnanakaw dito o ano. And our house is closed."

Napasapo siya sa noo niya saka mabilis na tinawagan si Papa.

"Pa, I'm really fine here!" sabi ko kaya napaisip rin si Papa.

"Blaire, sumama ka na lang kaya sa Mama mo?"

"I'm eighteen! Sa ibang bansa may sarili ng apartment ang mga kaedad ko. I will be safe."

"Ang tigas ng ulo nitong anak mo, Bernard!"

"Are you sure, Blaire?" tanong ni Papa kaya mabilis ako na tumango.

"I can do it. Tatlong araw lang naman."

Sa tagal ng pangungumbinsi ko ay sa wakas nakapag desisyon na rin si Mama. Alam kong kailangan niyang dumalo sa seminar kaya hindi pwedeng dito lang siya para samahan ako. And besides, I am already big enough. Hindi ako natatakot dahil sigurado akong walang masasamang loob sa bayan namin.

Kinabukasan ay maagang umalis si Mama kaya naiwan akong mag-isa sa bahay. Nanood ako ng tv habang naglalaro ng kung ano sa cellphone pero natigil lang nang tumawag si Zach.

"You're alone in your house? What?"

Natawa ako sa bungad niya. Nasabi ko na ako lang mag-isa sa bahay ng tatlong araw at tumawag siya kaagad.

"May seminar si Mama sa Cebu. Pero tatlong araw lang naman—"

"Three days? You are a girl."

Just like my parents, come on.

"Come on, I am eighteen!" Dinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya kaya marahan ako na tumawa.

I guess he's frustrated.

"Pupunta ako diyan, wait. Hardheaded," inis na sabi niya kaya napatawa ako bago pinatay ang tawag.

He have the guts to come here because my mother is out of town. Kaya sinong may sabi na hindi niya gusto 'to? That guy.

Hindi nagtagal may narinig ako na isang busina ng kotse sa labas kaya kaagad akong tumango. Marahan ko pang inayos ang isang maikling cotton short at manipis na sleeveless na suot bago dumiretso sa pinto.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora