Chapter 13

76 5 0
                                    

Chapter 13

Zach was true about no having classes in the afternoon. May meeting daw ang lahat ng teachers sa bayan kaya na-declare na walang pasok ang lahat.

"Una na kayo, may kukunin lang ako," sabi ko kina Anne at Mae ng matapos ang huling klase namin.

"Sure—"

"Anne tara na, base na mukha niya mukhang may plano sila ng Zachary niya," tukso ni Mae kaya napangiti na lang ako bago umiling.

"May kukunin lang ako sa library saka sa SSG office," sabi ko pero tumawa lang sila saka nagpaalam na.

Nang makaalis sila ay mag-isa ako na naglakad papunta sa library. I need to get a book related to one of my subjects. Kulang kasi ang impormasyon sa learners book namin. 

Naghahanap ako ng librong kailangan ko ng biglang tumawag si Zach kaya mabilis kong sinagot habang nasa mga libro pa rin ang tingin.

"I'm here outside," Natigil ako sa paghahanap dahil sa sinabi niya.

Hindi ko akalain na tototohanin niya ang sinabi niyang susunduin niya ako ngayon. I thought he was just joking last night.

"Nandito ako sa library. Teka lang may hahanapin pa ako," sabi ko saka nagpatuloy sa paghahanap.

"Okay, I'll just wait here."

"Pumasok ka na lang kaya?"

"No, I'll just stay here. Baka hindi ako papasukin ng guard."

Napasinghap ako ng mahina saka mas lalong binilisan ang paghahanap.

"Sige, teka lang."

Nang makita ko ang librong hinahanap ay kaagad ko iyong kinuha saka nilagay sa loob ng bag. I also wrote my name on the log book and the book I borrowed. Galing doon ay dumaan pa ako sa SSG office para kunin ang minutes ng meeting noong nakaraan.

Nang matapos ay mabilis ako na naglakad patungo sa gate. Nakita ko pa ang mga teacher na nagtitipon sa guards house kaya bumati muna ako bago tuluyang lumabas. 

At hindi kalayuan sa gate nakita ko si Zach na nakasandal sa isang kulay black na motor habang nakatingin sa phone. Kaagad akong napanguso dahil sa itsura niya. He can really pass as a model.

Nang makalapit ako ay nakuha ko ang atensyon niya. Mabilis siya na umayos ng tayo saka bahagyang ngumiti. 

"Sorry," sabi ko ng tuluyang makalapit.

Mas lalo siyang ngumiti saka marahan na hinuli ang parehong kamay ko. I did not move or anything. Hinayaan ko lang siya sa gusto niya. Dahan-dahan niyang nilagay sa parehong baywang niya ang kamay ko kaya parang nakayakap ako sa kanya.

Masyado na akong nasasanay sa bilis ng tibok ng puso ko. He's really a touchy one. And I like him being this way.

"Mga bata, hindi pa ba kayo uuwi?"

Sabay kami na napalayo sa isa't-isa ng biglang magsalita ang guard. Tumawa ng bahagya si Zach kaya mas lalong uminit ang pisngi ko sa hiya.

"Uuwi na po," natatawang sabi niya pa sa guard kaya halos takpan ko na ang mukha kong namumula.

"Mabuti pa at baka matuka kayo ng hayop." 

Zach laughed even more before looking at me so I glared at him.

"Sige po, Manong, uuwi na kami."

I sighed and looked at the guard who's smiling a bit.

"Sige, sulitin niyo habang mga bata pa kayo."

I wanted to shout at the guard. This is making me more uncomfortable. This is so awkward for me.

Muli niya akong hinawakan sa siko ng marahan habang natatawa pa rin ng kaunti. He then gets the helmet at the top of the motorcycle. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pag-aalinlangan na sumabay sa kanya.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Where stories live. Discover now