Chapter 31

92 4 0
                                    

Chapter 31

Papa and Mama bought a house in Manila in the village where our other relatives are. Kaagad rin ako na nag-enroll sa school nina Tofer. Mama also transferred to a nearby public school to be a principal.

So all in all, we will really stay here. 

"Ano na?" inis na tanong ni Tofer na kanina pa nandito sa kwarto ko.

Inis ko siyang binalingan. Two weeks na lang mag-uumpisa na ang klase kaya inaaya niya akong mamili ng mga gamit pero kanina pa ako tumatanggi kasi tinatamad nga ako. But my cousin is so hardheaded! He won't go away.

"I don't want to—"

"Kailan ka bibili? Kapag isang araw na lang bago ang pasukan? Come on, Blaire!"

Napairap ako saka inis na tumayo mula sa kama saka sinamaan siya ng tingin. Ngumisi naman siya saka humalukipkip kaya muli akong napairap.

I must admit that he really look so good right now. Parang tumangkad na nga rin siya at hindi ako makapaniwala kasi parang ilang buwan lang kaming hindi nagkita. He glowed up a lot.

Unlike me who's still really stress. Walang araw na hindi pumapasok sa isip ko si Zach. I have a phone now but I did not intend to make a new social media account. Wala na akong gana saka natatakot ako na baka kapag gumawa ako ay hindi ko rin mapigilan ang sarili kong makipag-usap kay Zach.

We need to stay this way. He'll be good in London. And I will try to be good here too.

"Fine, wait," sabi ko saka mabilis na pumasok sa closet ko.

My father bought a huge house here. I already have a huge walk-in closet and bathroom in my own room which I really like.

Hindi nagtagal ay lumabas na rin ako habang suot ang isang simpleng denim dress at white sneakers.

Nakita ko si Tofer na pinapakialaman ang phone ko kaya mabilis ko siyang pinalo sa balikat.

"What are you doing?!"

Inis ko na inagaw ang phone ko sa kanya na nakangisi niya naman na hinayaan. Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko sa pinapakita niya. Nang tumingin ako sa screen ng phone ko nakita na nasa album ito na puno ng pictures namin ni Zach.

"That's the guy? May itsura naman, worth it iyakan," sabi niya kaya umirap na lang ako ng kaunti saka tinago ang phone sa maliit na bag ko.

"Huwag mong pakialaman ang mga gamit ko—"

"Break na kayo? So sad," hirit niya pa kaya napa-buntong hininga na lang ako.

Mukhang napansin niya ang pagbabago ng mood ko kaya mabilis niya akong hinila palabas ng kwarto ko. Siya mismo ang nagpaalam kina Mama at Papa bago niya ako pinagtulakan sa kotse niya.

Alam kong kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa ganitong tanawin. No trees, no mountains and no fresh air.

Nang makarating kami sa mall ay kaagad nga kaming namili ng mga gamit. Wala akong gana habang namimili kaya si Tofer na ang pumili para sa akin. 

"Ayaw ko ng pink," sabi ko nang makita na pink na clearbook ang kinuha niya.

"Huh? Then what?" Tahimik ko na tinuro ang kulay yellow kaya mabilis niyang pinalitan.

After buying our needs we decided to tour around the mall. Huminto kami sa game zone kasi naglaro si Tofer ng basketball. 

I smiled sadly while looking at the ball. Sana nagawa rin namin ni Zach iyong ganito.

To avoid myself from overthinking, I left Tofer. Pumunta ako sa laro kung saan may sumasayaw sa parang monitor para gayahin. 

Naabutan ko na lang ang sarili ko na naglalaro sa game na iyon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko hanggang sa napalitan ng tawa habang sumasayaw. I nearly forgot that I am a dancer.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Where stories live. Discover now