Chapter 19

83 2 0
                                    

 Chapter 19

Ang bilis ng pagpalit ng araw.

Christmas vacation came.

"Ma, sa Manila tayo magpapasko?" hindi ko maitago ang lungkot sa boses ko.

My mom's parents were there which is my grandparents and my other cousins. Hindi ako masyadong malapit sa kanila dahil dito ako lumaki sa Del Rio kung saan rin nagmulat si Papa. 

We have no relatives here because my father was only son and his parents died so early. 

"Oo, hindi makakauwi ang papa mo kaya doon tayo magpapasko."

I sighed and nodded. 

"Kailan daw po uuwi si Papa? Sa new year?"

Mama sighed and gently shooh her head.

"Sa march na lang uuwi ang papa mo para sa graduation mo. He insisted that we must celebrate christmas and new year in Manila."

"Sige po."

"Aalis tayo bukas na bukas kaagad kaya mag-ayos ka na ng mga gamit. We'll stay there until new year so bring enough clothes."

Matamlay ako na bumalik sa kwarto ko. Pero imbes na mag-ayos ng mga gamit ay phone ko kaagad ang kinuha ko. I saw Zach's messages so I smiled. Magtitipa sana ako ng reply pero kaagad na siyang tumawag kaya napangiti na lang ako saka umiling.

"Sa manila kami magpapasko," kaagad na bungad ko kaya hindi siya kaagad nagsalita.

"What? Until new year?" 

I sighed, "Yes."

Zach being a boyfriend is really great. He undertands my situation so he really won't demand my time. We are really contented calling each other every hour. Minsan bumibisita siya sa school at lumalabas rin kami.

I am lying for this relationship but it's fine.

He's making me happy. Sobrang saya ko. 

"Pupunta rin kami sa London para sa christmas. But we'll celebrate our new year here with Mom and Dad."

Napangiti na lang ako ng matipid.

"Hindi kasi makakauwi si Papa kaya sa Manila kami magpapasko at bagong taon. My grandparents and cousins are there."

"You'll call me everyday right?"

Mahina akong humalakhak dahil sa tono niya.

"Of course. Pero hindi ba tayo mahihirapan kapag nasa London ka na? I mean umaga doon at gabi dito kay—"

"No, sanay ako na gising sa gabi."

Our call lasted for about an hour so after that I finally fixed my things. Nagdala ako ng maraming damit kahit pwede naman akong bumili doon. Dinala ko rin pati ang laptop ko saka power bank.

Kinabukasan ay kaagad kami na pumunta sa airport ng probinsya namin ng sobrang aga. I texted Zach before we went in a plane.

Me:

We're leaving. Are you awake?

Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya kaya napangiti ako. Pero kaagad ko rin na tinago iyon nang mapalingon si Mama.

"May ka-text ka?" tanong niya kaagad kaya napailing ako ng maraming beses.

"Wala, may nabasa lang ako na memes sa facebook," dahilan ko kaya napatango siya.

Patago ko naman na binasa ang sagot ni Zach.

Zach:

Good morning. Take care, we'll also leave for London the day after tomorrow.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Where stories live. Discover now