Chapter 41

110 6 0
                                    

Chapter 41

Tinanong ako ni Tofer kung bakit bigla ko siyang iniwan sa pool pero nagdahilan ako ng maraming bagay kaya naniwala siya. Umagang-umaga ay kaagad na siyang umuwi. I did not tell him that I will immediately follow because I don't want yo cause any problems.

Saktong pag-alis niya kaagad akong nag-ayos ng gamit habang tumatawag sa service ng lugar para mag-book ng van na maghahatid sa akin sa airport. Bahala na. I won't stay here.

"Arrgggg!" sigaw ko sa inis ng hindi ko maisara ang zipper ng maleta.

Halos lukotin ko na lahat ng damit para magkasya lang sa maleta. Gusto ko ng makaalis kaagad. Ayaw ko ng magtagal pa dito. Ayaw ko na. What happened last night made me realized how weak I am.

I am weak and it's definitely not okay.

Nanginginig ang parehong kamay ko habang nag-eempake ng madalian. I should have did it last night but I cried until I fell asleep. At ngayon kabado at takot na ako. I will leave. 

Wala ng makakapigil pa. If I badly need a vacation then I will book a flight to other country where I could feel a nice vacation.

Nang matapos kong ipasok ang lahat ng gamit ay dali-dali akong naglakad papunta sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto pero ako na rin ang kusang umatras sa nakita.

Nabitawan ko ang maletang dala kaya gumawa iyon ng malakas na ingay. I was stepping backward while staring at Zach's angry face. Naka-tingin siya sa maleta ko na naka-salampak na sa sahig.

I swallowed hard because of nervousness.

"W-hat are you doing here?"

I am trying to be strong. Pero sobra na akonb kabado lalo na noong napunta ang tingin niya sa mukha ko.

Bahagyang dumiretso ang tingin ko sa isang van na kulay puti sa tapat ng villa. There's a guy which I think is the driver. Nanonood sa amin na parang takang-taka. 

Muli akong lumunok ng mariin bago ko binalik ang mga mata kay Zach. 

"Where are you going?"

The coldness of his voice made me want to hide. Pero bago sa ako makapag-isip ay mabilis na siyang pumasok sa mismong villa sabay sara ng pinto.

"Ano ba?! I will leave!" sigaw ko kaagad. Mabilis akong nataranta kaya dali-dali akonh lumapit sa pinto pero kaagad siyang humarang kaya sumubsob ako sa dibdib niya.

Para na akong maiiyak sa takot at kaba. I know Zach. He won't hurt me physically. But my heart is tired of it. Ayaw ko nang umiyak ng dahil sa kanya. Ayaw kong muling umiyak sa harapan niya mismo.

Ubos na ubos na ako.

I wanna be strong. Pero paano ako magiging matapang kung siya mismo ay palagi niyang pinapamukha na iyakin pa rin ako hanggang ngayon? Paano ako magiging matapang kung hindi ko kyang hindi umiyak at masaktan sa tuwing nakikita siya.

"Alis! Zach, I will leave! Get out! Zach!"

Halos mapaos na ako sa kaka-sigaw pero wala siyang ginagawa para mahawakan ko man lang ang door knob.

"I said we will talk!"

Dumagundong ang boses niya sa buong villa kaya mabilis akong binalot ng matinding takot. My tears fell like a rain.

"A-ayaw ko nga. I don—"

"Blaire!"

Mabilis akong umupo sa sahig kaya takot na takot na napa-takip sa tainga ko. I am afraid to hear what he wanna say. Takot akong marinig ang mga sasabihin niyang alam kong tungkol sa galit niya sa akin. Takot akong malaman kung gaano karami ang galit na binaon niya sa sarili niya.

Lost in Love (Del Rio Series #1)Where stories live. Discover now