KAHULUGAN NG SIMBOLO

1 0 0
                                    

Kahulugan ng mga Simbolo sa Pabalat ng Noli Me Tangere

Ang pabalat ng nobelang Noli Me Tangere ay dinisenyo mismo ni Rizal.

Ito ay pahapyaw na nagpapkita sa nilalaman nito sa pamamagitan ng mga simbolo.

Ayon sa paliwanag ni Daniel Anciano (2010),nahahati sa dalawang bahagi ang pabalat ang kaliwa at kanang bahagi.Sa gitna ng pabalat nakasulat ang malaking pamagat ng nobela NOLI ME TANGERE na nangangahulugang “huwag mo akong salingin

---

Paa ng Prayle
-Inilagay ni Rizal sa pinakaibabang bahagi ng tatsulokat sumasakop sahalos mahigit sa kalahati ng paanan ng tatsulok. Angsimbolismo ay ginamit upang ipabatid ni Rizal kung sino ang nagpapalakad ng bayan sa Kaniyang kapanahunan.

Sapatos sa Paa ng Prayle
-Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paa ngprayle aycpagbubunyag ng pagiging maluho ngcpamumuhay ng mgaprayle sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. Isa sa sinaunang mgakautusan sa mga Pransiskano ay ang hindi pagsusuot ng sapin sa paa.

Nakalabas na Binti sa Ibaba ng Abito
- Pagpapahiwatig ni Rizal sakalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na hayagangtinalakay niya sa loob ng nobela. Maari rin na ang nakalabas nabalahibo sa binti ng prayle ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sanakalabas na balahibo Ng lobo/wolf na nakabihis ng damit ng kordero.

Helmet ng Guardia Sibil
- Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal nahukbong sandatahan na nang-aabuso sa mga karapatang pantao ngmga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Pansinin na inilagay ni Rizala ng helmet na parang nakayuko sa tapat ng paanan ng prayle.

Latigo ng Alperes
-Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal nahukbong sandatahan. Maging si Rizal ay naging biktima ng latigo ngalperes sa Calamba, Laguna. Ang paglalagay nito sa pabalat ng nobela aynagpaparamdam sa atin na hindi niya nalilimutan ang ginawang pagpalosa kaniya ng latigo. Ang lupit ng latigo ay ilalarawan sa iba’t ibang kabanta ng nobela.

Kadena
-Simbolo ng kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim Ng kolonyal na pamahalaan.Pamalo sa mga pinarurusahan.

Penitensiya
-tinatawag sa ibang lugar na suplina ayginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang mga sarili (tinatawag na penitensiya) dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay isang uri ng paglilinis sa kanilang mga nagawangkasalanan. Para kay Rizal, wari bang hindi pa sapat sa mga Pilipino ang pananakit ng mga guardia sibil at kailangan pang sila pa mismo angmagparusa sa kanilang mga sarili.

Lagda ni Rizal
-Mapansin sana na inilagay ni Rizal angkaniyang lagda sa kanang triyangulo upang ipakita samga mambabasa kung saan siyang panahon kabilang.

Halamang Kawayan
- Isang mataas ngunit malambot nahalaman (sinasabi ng iba na puno at ang iba naman ay damo).Inilagay niRizal ang punong kawayan upang ipakita angpamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay ng mga Pilipino sa isang mapang-aping lipunan at ito ay ang pagsunod sa ihip ng hangin.Makikita Ang katunayan nito sa Kabanata25).

Bulaklak ng Sunflower
-ang sunflow er ay Isang natatanging bulaklak dahilan sa kakayahan nito na sumunod sa oryentasyon ng sikat ng araw. Inilagay ni Rizalang bulaklak na ito sa layunin na maging halimbawa ngkaniyangmga mababasa na maging ugali na sumunod sapinagmumulan ng liwanag.

Simetrikal na Sulo
-ang sulo ay ginamit ni Rizal na bilangsagisag ngNoli Me Tangere. Kung papansining mabuti angdisenyo ng katawan ng sulo, mapupuna na hindi ginamit niRizal ang kawayan na siyang karaniwang sisidlan Ng panggatong na nagpapaliwanag ng ilaw at siyang karaniwangdisenyo sa paglalarawan ng sulo. Ang paguhit ni Rizal ng sulo ay mula sa disenyong simetrikal na ginagamit sa mga pabalatng libro sa kaniyang kapanahunan. Ipinapakita rito ni Rizal na ang panggatong na pagmumulan ng apoy o liwanag ay angmula sa loob ng isang aklat.

Ulo ng Babae
-Maaring maitanong kung sino ang babaeng ito? Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ngpaglalagay niya harapan ng babae ng pinag-uukulan niyang kaniyang nobela

Mga Dahon ng Laurel
-Ang dahon ng laurel ay napakahalaga samatandang kabihasnang kanluranin. Ito ang ginagawang korona para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang matatalino, at mapanlikhaingmamamayan. Mapapansin na ang mga dahon ng laurel ay hindi panapipitas sa halaman. Isang paglalarawan ng pag-asa ni Rizal na sa pagdating ng panahon ang mga dahon ng laurel na ito pipitasin atilalagay sa ulo ng mga natatanging mga anak ng bayan. Ang supang Ng suha at mga dahon ng laurel ang magpapasibol ng isang pambansangkonsensiya ng bayan na nais ni Rizal na sumibol sa kaisipan ng mga Pilipino na noon ay hinahadlangan ng kolonyal na simbahan.

Touch Me NotWhere stories live. Discover now